CHAPTER 67

3.9K 106 18
                                    

Chapter 67

 

-=Jazz=-

 

Ang ganda ng panaginip ko. binantayan daw ako ni Ken magdamag.

 

“Ken, miss na miss na kita. Sobrang sakit na ng ginagawa mo sakin ah. Kailan ba ito matatapos? Sinusubok mo ba ang pagmamahal ko?”

 

Makabangon na nga walang mangyayari kung magmumukmok ako kailangan makapagluto na ako para ma-kakain ng almusal si Ken, isasama ko na rin ang tanghalian n’ya. palabas na ako ng pinto ng maymasipa ako.

 

Panyo? Kaninong panyo ito? Tinignan ko naman at may nakita akong nakaburda sa gilid ng panyo.

 

KEN

 

Bakit nandito ang panyo ni Ken? kung ganon hindi panaginip na binantayan n’ya ako. totoong binantayan n’ya ako kagabi. At kung binantayan n’ya ako ibig sabihin mahalaga ako. mahalaga pa rin ako para sa kanya. :’( kung ganon kailangan kong mas maging matatag para saming dalawa dahil siguradong may pinagdadaanan si Ken.

 

Nakaayos na ang lahat. Hinihitay ko na lang si Dennis para makasabay na ako sa pagpunta sa MGC.

 

“Jazz may pasok ka ba? diba bakasyon na?”

 

“Wala akong pasok. Dadalhan ko ng pagkain si Ken. sasabay na ako sayo pwede ba?” tanong ko.

 

“Jazz, itatapon n’ya lang yan. Hanggang kailan mo papahirapan ang sarili mo? hindi ka n’ya mahal! Si Grace ang mahal n’ya. tama na Jazz iniwan ka na n’ya!”

 

“Sa tingin ko hindi ako pwedeng sumabay sayo. Sige mamamasahe na lang ako.” sagot ko naman na hindi pinansin ang mga sinabi n’ya sakin.

 

“Sige na, sumabay ka na sakin.”

 

Nginitian ko naman s’ya bilang sagot.

 

Pagdating namin agad akong tumakbo papunta sa office ni Ken. dahil kilala ako ng secretary n’ya pinapasok n’ya naman ako. wala pa si Ken kaya inayos ko na lang muna ang pagkain n’ya. napansin ko namang nasa mesa pa rin ni  Ken ang picture naming dalawa. Hindi n’ya pa pala inaalis. Maya-maya pa bumukas na ang pinto at gulat na gulat s’yang makita ako ron.

“Anong ginagawa mo dito?” tanong n’yang masungit nanaman.

 

“Dinalhan kita ng almusal.”

 

“Ang kulit mo sinabi ko na diba hindi mo na ako kailangang paglutuan!” sabi n’ya naman na medyo malakas ang boses.

Mr. Pilosopo Meets Ms. Taong bundok (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon