CHAPTER 6

6K 170 4
                                    

CHAPTER 6

(TB hindi nag sosorry ang isang gwapong katulad ko. kaya babawi na lang ako sa paraang alam ko.” o___-)

 -=JAZZ=

Grabe s’ya. bakit ang sakit sakit n’ya magsalita. Kung may mapupuntahan lang ako hindi ako mag t-tyaga sa kanya.

*Ding…Dong…Ding…Dong

Hays sino naman kaya yon.

“Sir Jericho?”

“Sino ka bakit mo ko kilala?” tanong niya at mukhang gulat na gulat pa.

“Si Jazz po yung katulong ni Sir Ken.” sabi ko.

“Oo nga pala. Pasensya ka na nakalimutan ko. si Ken?” tanong niya.

“Tulog po e. gigisingin ko po ba?” tanong ko.

“Wag na. hintayin ko na lang s’ya magising.”

Parang sa boses n’ya malungkot s’ya. O sadyang ganon lang talaga s’ya. E bakit ba ko nakikialam.

“Sir sige po iwan ko po muna kayo d’yan naglalaba po kasi ako.” Sabi ko. hindi ko alam kung narinig n’ya ko o hindi basta hindi n’ya ko pinansin kaya umalis na lang ako.

Hays nalulungkot ako pagnakikita ko tong nilalaban ko parang hindi nababawasan. Kanina pa ko naglalaba.

“Gusto mo bang tulungan kita?”

Nagulat naman ako sa nagsalita kaya napalingon ako.

“Sir Jericho. Anong ginagawa mo dito?”

“Wala. E iniwan mo ko ron e. baka mabaliw ako kaya sasamahan na lang kita dito.” Sabi n’ya sabay ngiti.

Aba at gwapo rin pala itong si Sir Jericho. Sabagay wala naman panget sa kanila e. at natigil naman ang pagkilatis ko sa itsura n’ya nang makita kong nagbabanlaw na s’ya.

“Sir ako na po yan baka mapagalitan ako ni Sir Ken.”

“Ano ka ba wala naman s’ya e. pabayaan mo na ko kailangan ko to para malibang ako.”

“Ay wow!”

“Bakit?”

“Wala naman nakakagulat lang kayong mga mayayaman libangan n’yo ikakamatay na namin.”

“Huh?!” gulat na gulat na tanong n’ya.

“Ito po pagod na ko kakalaba tapos sasabihin n’yo po maglalaba kayo para malibang.”

“AHHAHAHAHAHAHAHA! Nakakatawa ka talaga.”

“Oh? Hindi halata ah. Sir may problema ka no? ang babaw mo e.”

“Yeah. Kaya nga ako nandito kasi alam ko naman na si Ken lang ang makakaintindi sakin. na hindi ako huhusgahan dahil pareho lang kami ng nararanasan.”

“E ano po ba yun? Malay n’yo maintindihan ko rin.”

Nginitian n’ya lang ako sabay yuko. Tignan mo to hindi man lang ako sinagot. Hinila ko yung batya palayo sa kanya at halatang nagulat s’ya.

“Bakit?” tanong niya.

“hmp. bawal ka tumulong hanggang hindi ka nag k-kwento sakin.”

“Sige na. magk-kwento na. Meron akong kaibigan simula pagkabata magkaibigan na kami. Pero bukod don mahal ko siya. hindi bilang kaibigan higit pa ron. Kaso may iba s’yang mahal si Dennis yung kuya ni Ken. Magkasama sila ngayon nagpahatid s'ya sakin sa opisina ni Dennis para magdala ng pagkain. sa harap niya syempre okay ako. Pero ang totoo parang dinudurog na ang puso ko. bakit ganon siya alam naman niya na nasasaktan ako. Bakit ginagawa niya pa rin yun sa harap ko. Jazz ang sakit sakit na.”kwento niya sabay hawak sa balikat ko.

Mr. Pilosopo Meets Ms. Taong bundok (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon