Chapter 18
(First Kiss)
-=Jazz=-
Naiirita na talaga ko sa Jane na yun. Pasalamat s’ya kasama ko si Ken. Wag na wag lang s’yang babalik dito ngayung wala pa si Ken. Makakatikim talaga s’ya sakin. Aba pag ka siniswerte ka nga naman oh. Talagang bumalik s’ya nagsama pa s’ya. D’yan ka nagkamali nagsama ka pa. makikita tuloy nila kung pano ka mapapahiya.
“Girls. s’ya ang kinalolokohan ngayon ni Jericho at Dennis ko. Kayo na ang magsabi kung maylaban ba s’ya sakin. Isa lamang s’yang katulong pero ang taas nang pangarap. Nilalandi n’ya na nga si Jericho and Dennis. Hindi pa makontento balak pa atang pati boss n’ya e landiin.” Sabi ni Jane.
“Walang wala yan sa beauty mo girl.” Sabi nung isang kasama n’ya.
“Masmaganda pa nga sa kanya ang katulong ko. Sabi naman nung isa pa n’yang kasama.
Tumayo ako. Para naman malaman nilang mas matangkad ako sa kanila. Kahit naka heels sila.
“Jane, kung nilalandi ko man si Jericho and Dennis. ANO BANG PAKIALAM MO!? Girlfriend ka ba? Kasi kung makareact ka daig mo pa ang asawang inagawan ng kabit?”
Halatang nagulat s’ya dahil hindi n’ya inaasahang sasagutin ko s’ya.
“M-may pakialam ako kasi Bestfriend ko si Jericho.”
“Diba parang ang OA naman ata nang reaction mo para sa isang Bestfriend? Wag kang magalala iingatan ko si Jericho katulad ng pag iingat na ginagawa ko kina Dennis, Jessie and Ken.”
“Walang hiya ka!” sabi n’ya at akmang sasampalin ako pero nahawakan ko s’ya sa kamay.
“Oopss sorry. Alam mo kasi hinalikan ako ni Jericho d’yan kaya hindi ko hahayaang mahawakan mo ang maganda kong pisngi.” Bulong ko habang dinudurog ko sa kamay ko ang kamay n’ya.
Pagbitaw ko. Namimilipit pa rin s’ya sa sakit. Tapos nakita kong takot na takot s’ya nakita ko rin na pabalik na si Ken hindi n’ya dapat maabutan to.
“Hipon and lollipop alisin n’yo na ang kaibigan n’yo rito kung ayaw n’yong pagpalit palitin ko ang mga ulo n’yo.”
“H-Hipon?” tanong ng tinawag kong hipon.
“Yes. Hipon. Tapon ulo.”
“A-ano naman yung lollipop?” tanong nung isa.
“Lollipop tapon katawan. Ano? Aalis ba kayo o itatapon ko talaga yung dapat itapon sa inyo?”
Pagkasabi ko non nagmamadali na silang umalis kasama si Jane. Sakto namang dumating si Ken.
“Anong sabi ng mga yun?” tanong n’ya.
“Wala yun. Gandang ganda lang sakin.” ^___^
“Alam mo ikaw gutom ka na talaga oh kumain ka!” sagot n’ya sabay subo ng French fries sa bibig ko.
“Ken uwi na tayo. Pagod na ko e.”
“Tignan mo yang ugali mo. Pagkatapos mo kong papilahin sa pagkahaba habang pila don sasabihin mo umuwi na lang tayo? Sayang lang pala itong binili ko.”
“Hmmnn hindi masasayang ito. Dadalhin ko po ito. Okay na?”
Hindi na s’ya sumagot ngumiti lang s’ya tapos tumayo na. sumunod naman ako agad.
Pagdating sa bahay nakita namin si Justine naka tayo sa may gate.
“Justine? Anong ginagawa mo dito?” tanong ni Ken. Pero hindi s’ya pinansin ni Justine. Dirediretso ito hanggang sa nilagpagsan n’ya si Ken. At…
BINABASA MO ANG
Mr. Pilosopo Meets Ms. Taong bundok (COMPLETED)
RomanceMr. Pilosopo meets Ms. Taong bundok Sabi nga nila simula nung nauso si vice ganda eh wala ng makausap ng maayos. Pero paano kung si Mr. Pilosopo at suplado eh nakahanap ng katapat niya? Naisip niyo na ba kung sino ang katapat niya? masungit at pi...