CHAPTER 46

4K 118 4
                                    

Chapter 46

(Nasan nga ba si Ken?)

 

-=Ken=-

 

Namiss n’yo na ba ako? hinahanap kaya nila ako? siguradong hinahanap ako nila Jericho. Ang hindi ko alam kung hinahanap din kaya ako ni Jazz? nakakainis na s’ya. bakit s’ya ganon? Alam ko naman nagkamali ako. kaya nga gumawa ako ng paraan para bumalik s’ya diba? Pero wala tinaboy n’ya pa rin ako mas pinili na n’ya si Dennis sana maging masaya s’ya sa napili n’ya. Oo nga pala siguro nagtataka kayo kung nasaan ako ano? Nandito ako sa bahay. Pero hindi mo iisipin na nandito ako kasi madilim na madilim hindi ako nagbubukas ng ilaw para isipin agad na walang tao so kung may balak manggulo hindi na nila iisipin na nandito ako. ito 3 araw na rin akong nakahiga dito sa may sahig. Oo tama sa sahig nahulog kasi ako sa sofa wala akong lakas para bumangon 3 araw na rin akong hindi kumakain. T_T hinang hina na ako.

*ching…ching…

Ano yung ingay na yun?

“Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh” sigaw ko.

“Wahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh” sigaw n’ya.

Napasigaw ako kasi biglang binuksan ang ilaw ang sakit kaya sa mata isipin nyo na lang 3 araw na akong hindi nakakakita ng liwanag.

“K-Ken?” sabi nung isa pang sumigaw. Dahan-dahan ko naman s’yang sinilip.

“V-Vince?”

“Ako nga anong ginagawa mo d’yan?”

“Pare.” Pagkasabi non para akong maiiyak niyakap ko s’ya.

“Yucks! Wag mong sabihing ikaw naman ang aamin na bading?”

“Hindi baliw k-kwento ko sayo pero pwede bang patayin mo muna ilaw ayaw kong isipin nilang may tao dito.” Sabi ko. Halata namang nagtataka s’ya pero sumunod pa rin sya.

“Oh ngayon anong problema mo?”

“Pare iniwan na ako ni Jazz.” T__T

“ha? Bakit? Napag-isip isip na ba n’ya na simula nung nagtrabaho s’ya sayo never pa s’yang sumahod?”

“Oo nga no? ako rin hindi ko naisip yun ah. Pero hindi yun.”

*Kwento…..

“So kayo na ni Grace? Congrats pare! Ang tagal mong hinintay yan buti ka pa. so nalalapit na rin siguro akong sagutin ni Nash konting push pa!”

“Ha? Anong konting push? Kung ano-ano natututunan mo kakasama mo sa kapatid mong bading.”

Mr. Pilosopo Meets Ms. Taong bundok (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon