CHAPTER 10

5.9K 173 8
                                    

Chapter 10

(Selfie…selfie with TB)

(Hoy TB wag kang magpapaligaw ah!)

-=KEN=-

“Hoy TB! Bilisan mo nga bakit ba ang bagal bagal mong kumilos akala mo naman ang ganda ganda mo!” sigaw ko dito sa labas nang pintuan nang kwarto ni TB. Angtagal tagal mag iisang oras na kong naghihintay sa kanya.

“Eto na! ikaw talaga napaka initin nang ulo mo. Hindi mo man lang ba alam ang salitang wet?”

“ha? Anong wet? Baka wait!?”

“Ano ka ba! Basta parehong nag sisimula sa W at nag tatapos sa T pwede na yon! Ang importante pareho tayo nang ibig sabihin.”

“O sige ipaglaban mo sa exam yan. Hindi ka papasa kung ganyan ka.”

Mageexam s’ya ngayon sa Unknown University. Pag nakapasa s’ya hindi na n’ya kailangan mag High School. Bibigyan na s’ya nang certificate tapos pwede na s’yang tumuloy sa college.

“Yan…Yan d’yan ako babagsak e. masyado kang nega.”

“Oo na sige na tara na.” yaya ko sa kanya malamang hindi kami makaalis kung makikipagtalo pa ko sa kanya.

*Unknown University

“Dito na lang kita hihintayin sa Canteen. Pag sa Exam, hindi mo kailangan mag madali okay?! Kahit gaano katagal hihintayin kita. Basta kailangan ipasa mo yan a.!”

“Wala ba kong kiss?”

“A-ano? K-kiss?”

“Wahahaha joke lang. hindi ka na mabiro. Hindi mo ba ko ihahatid sa room ko?”

“Ang tanda mo na ihahatid pa kita? Kaya mo na yan sige na baka nag i-start na!”

“Ah ganon?!” sabi n’ya. tapos nagulat ako bigla n’yang hinila yung upuan sa tabi ko tapos umaktong matutulog.

“Hoy! Anong ginagawa mo?” tanong ko.

“Hindi na ko mag e-exam. Ayaw mo kong samahan e.” sagot naman n’ya.

“Okay… okay sige sasamahan na kita. Basta ihahatid lang kita tapos iiwan na kita a.”

“Yes Sir!” sagot naman n’ya at sumaludo pa.

Habang naglalakad kami papunta sa room n’ya tingin s’ya nang tingin sa paligid n’ya. Siguro napapansin n’yang pinagtitinginan ako. Kahit naman kasi wala na ko sa school na to. Sikat na sikat pa rin ako. siguro naman mahihiya na s’ya sakin. Nalalaman n’ya na ngayon kung gaano ko ka-gwapo.

“Ay grabe ang ganda ko talaga. Naniniwala na talaga ko!”

Muntik na kong madapa nung nagsalita si TB. Ano raw sabi n’ya maganda s’ya? Baliw na ata ito.

“Anong maganda ka? Baliw ka ba?”

“Hay naku ang totoo akala ko rin baliw na ko. Kasi kagabi ko pa iniisip bakit naman nag-aagawan pa sakin si sir Dennis at Jessie. Maganda ba ko? Tapos naisip ko baliw ako! kaso tignan mo ngayon! Kanina pa ko pinagtitinginan lahat na lang ata nang tao nakatingin sakin.”

O_O! na-nakatingin sa-sakanya? Seryoso ba s’ya? Talaga bang hindi n’ya man lang nakikitang gwapo ko? Pabayaan ko na nga lang muna s’ya. mag e-exam sya ayaw kong makasira.

“OH BABE DITO NA LANG AKO A. HINDI KA NA PWEDE SA LOOB E. HINTAYIN MO NA LANG AKO SA CANTEEN A.!”

Anong bang pinagsasabi nito? Anong babe? At talagang sinigaw n’ya pa. ano na lang ang sasabihin sakin nang mga tao? Wala akong taste. Hinila ko s’ya sa braso.

Mr. Pilosopo Meets Ms. Taong bundok (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon