Chapter 26
Ken Hilutin mo ko sige na please.
-=KEN=-
Ang tagal naman ni Jazz nakakainis nakaluto na ko. Gutom na gutom na rin ako. Bakit ang tagal tagal n’ya.
*Ding Dong…
Sa Wakas dumating din. Tumayo na agad ako at tumungo sa pinto para pag buksan s’ya.
“Bakit ngayon ka lang? gutom na gutom na ko e.”
“Wag ka ng magalit kung ako lang ang masusunod kanina pa ko umuwi.” She said and gave me a puppy-eyed look.
“hmp, wag ka ng magpacute gutom na ko. Tara na kumain muna tayo bago ka magbihis.”
Pinaupo ko naman s’ya habang naghahain na ko.
“Masarap ba yan?” tanong n’ya.
“Oo naman no, ako pa! oh tikman mo!” sabi ko sabay subo sa kanya.
*___* “Ang saraaaaap” sabi n’ya na kala mo maiiyak pa sa sarap ng luto ko.
“Syempre, hindi mo na itatanong ako ang pinakamagaling na chef sa buong mundo at mahal ang bayad sakin kasi bukod sa gwapo ako, namimili lang ako ng i-pagluluto ko.”
O_O nagulat naman ako bigla dahil bigla s’ya yumakap sakin tapos kiniss ako sa pisngi.
“Okay na bang bayad ang kiss ko gwapong chef?” tanong n’ya.
“I think I’d like to be your chef forever.” Nasabi ko na lang bigla sa pagkagulat ko. At sya naman ang natulala.
Kanina nagkukulitan kami ngayon wala ng nagsasalita. Ano ba kasi yung sinabi ko.
“A-ako na ang maghuhugas ng pinag kainan natin.” Sabi n’ya.
“Dapat lang ako na nagluto e.” sagot ko.
“Sige na alis na.”
“Tulungan na kitang mag ligpit.”
“Hindi na sige na umalis ka na.”
“Okay.” Umalis na ko pagkasagot ko.
Konti pa malapit na kong mabaliw sa kanya. parang gusto ko laging pagsilbihan s’ya para lang makakuha ako ng kiss. Ano ba naman itong nangyayari sakin.
“Keeen!” tawag n’ya.
Kumuha naman ako ng libro kunwari busy ako.
“Ken, busy ka?”
“Hindi mo ba nakikita? Nagbabasa ako.” Sagot kong hindi tumitingin sa kanya.
Bigla naman s’yang nahiga sa inuupuan ko tapos ipinatong ang paa sa hita ko.
“Hoy! Anong ginagawa mo?”
“Masakit ang binti ko, napagod ako ang dami kasi naming pinuntahan ni Nash e.”
“O ngayon? Gusto mo ko maging patungan ganon?”
“Hindi naman, gusto ko lang sana mag pahilot.”
“Ayaw ko nga.”
“Sige na Ken, Please…”
“Oo na!” sabi ko tapos hinilot ko na s’ya.
“Ahhhhhhhhhhhh sarap…hooooh ahhhhh ahhhh sige paaaa…. Taas mo..ahhhhh ahhhh.. hangsarap…. Uhmmmm ahhhh sige pa sige pa…”
>___< Ano ba ang ingay n’ya naman. Iba tuloy ang iniisip ko e.
“MANAHIMIK KA NGA. PAG HINDI KA TUMIGIL IIWANAN KITA DITO!”
“Sige na sige na mananahimik na ko.”
Tumahimik naman s’ya pero sandali lang nagsalita nanaman.
“Ken, ayaw mo ba sakin?”
0_0
“Ano bang sinasabi mo?”
“Gusto kita Ken, Mahal kita.”
“Jazz, sinasabi mo lang yan kasi palagi mo akong nakakasama. Darating yung panahon magbabago rin yang nararamdaman mo. pag nakita mo na talaga yung gusto mo.”
“Eh bakit ka ba nangingialam mas marunong ka pa e sa ito yung nararamdaman ko. Alangan namang yung nararamdaman mo sabihin ko. Basta hindi ako titigil hanggang sagutin mo ko.”
“Bakit ka nagagalit sinasagot lang naman kita.”
“Ha? Sinasagot mo na ba ko?”
“Oo kakasagot ko lang diba?”
“Talaga? Ibig sabihin tayo na?”
“Ano bang sinasabi mo?”
“Hindi ako ken, ikaw ang may sinabi sabi mo sinasagot mo na ko.”
“S-sinabi ko ba yun? Ang sabi ko sinagot ko yung tanong mo.”
“Oo nga sinagot mo nga. Sinagot mo na nga ako. Tayo na , yes wala ng bawian ah. Tayo na. mwah.” Pag kasabi n’ya non hindi na ko nakapag salita bigla n’ya akong hinalikan sa labi.
“Alam mo ikaw puro ka kalokohan.” sabi ko, sabay kutos sa noo n’ya.
“Aray ko naman, binibiro ka lang e. suplado mo talaga.”
“Hindi maganda yang biro mo, pinapaasa mo yung sarili mo.”
“Eh di sagutin mo na ko para hindi ko na pinapaasa pa ang sarili ko.”
“Ewan ko sayo! Hirap mong kausap.”
“Mas mahirap kang kausap.”
“Mahiga ka na nga lang d’yan.”
“Maghilot ka na nga lang d’yan.”
Pareho na kaming tumahimik, hinihilot ko pa rin s’ya. ano nga kaya kung sagutin ko sya. Sa tingin ko naman yun din ang gusto ng puso ko. Pero pag ginawa ko yun mas magiging Malabo kami ng soulmate ko. Naniniwala pa rin ako na si Grace ang para sakin. hindi ako pwedeng makipagrelasyon sa iba. Pero anong gagawin ko? Nahuhulog na ko talaga kay Jazz.
Naramdaman kong may humahawak sa pisngi ko kaya napadilat ako.
“J-Jazz?”
“Bakit dito ka natulog? Tara na akyat na tayo.”
“S-sige.”
Nauutal pa ko. Kinabahan ako napakalapit ng mukha kasi namin. Kung hindi ako nakapag pigil baka kung ano nanaman nagawa ko. Bakit ba kasi nakatulog ako sa baba.
BINABASA MO ANG
Mr. Pilosopo Meets Ms. Taong bundok (COMPLETED)
RomanceMr. Pilosopo meets Ms. Taong bundok Sabi nga nila simula nung nauso si vice ganda eh wala ng makausap ng maayos. Pero paano kung si Mr. Pilosopo at suplado eh nakahanap ng katapat niya? Naisip niyo na ba kung sino ang katapat niya? masungit at pi...