CHAPTER 36

4.4K 118 16
                                    

Chapter 36

Jessie part 2

*******************************************************

-=JAZZ=-

“H—hindi pa rin ako makapaniwalang babae ka!” sabi ni Dennis na hanggang ngayon e titig na titig pa rin kay Raffy.

“Pasensya na kung nag lihim ako, Si Justine kamusta na s’ya?”

“Ayun palaging malungkot pero tanggap naman na n’ya na hindi ka na babalik.”sagot ni Dennis.

“Hindi ka na ba talaga babalik?” tanong ko.

“Gusto kong bumalik Jazz. gustong-gusto ko. Ilang beses ko ng sinubukang tumakas. Pero wala akong nagawa. Nahuhuli at nahuhuli rin ako. Kaya napagod na ko.”

“Pero si Justine kahit kailan hindi napagod sayo! Kung ipapaalam mo lang ito kay Justine  tutulungan ka n’yang makaalis dito.”sabi ni Dennis.

“Tutulungan n’ya ba talaga ako? O magagalit s’ya sakin? dahil ginawa ko s’yang tanga. Niloko ko s’ya.” sagot naman ni Raffy.

Natahimik naman si Dennis mukhang hindi n’ya rin alam ang isasagot n’ya.

“Senyorita pinapatawag po kayo ni Don Rafael, nakahanda na raw po ang pag-kain.” Singit naman nung katulong nila.

Nakaupo na kami sa mesa. nakilala na rin namin ang nanay at kapatid ni Raffy. Si Don Rafael naman mukhang mabait na hindi na s’ya katulad kanina.

“Oo nga pala pano n’yo nakilala ang aking anak? Alam n’yo ba kung saan s’ya tumira nung nasa manila s’ya.” tanong ng Don.

“Dri-.” Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko ng bigla akong hawakan ni Dennis sa braso para patigilin.

“Nagkita lang po kami minsan sa Mall tapos na i-kwento n’ya nga samin na may Hacienda s’ya. sabi n’ya pmunta kami pag may-oras kami. Pero hindi namin alam na dun pala s’ya tumira ang sabi n’ya samin may pinuntahan lang s’ya.” pagsisinungaling ni Dennis.

“Ganon ba? Oo nga pala bukas na kayo umuwi malayo ang Manila mahihirapan na kayo madilim ang daan. Ipapahanda ko sa mga katulong ang magiging kwarto n’yo.”

Nakahiga na kami ni Jennica. S’ya tulog na grabe mahiga lang ata sa higaan likod nito tulog agad.

Tinignan ko ang cp ko naalala ko nga pala nagagalit na sakin si Ken. naku kaya naman pala yun text ko kay Vince kay Ken ko natext. Tsktsk… pero hindi ako magrereply sa kanya mas nag-aalala s’ya mas magmamadali s’yang umuwi ^_^

“Jazz! gising na umaga na!” nagising ako dahil sa ingay ni Jennica.

“Oo na gising na ko.”

Knock! Knock!

Tumayo naman si Jennica para pagbuksan yun.

“Hi! Tara na?” tanong naman ni Dennis sumunod naman agad kami ni Jennica.

Pauwi na kami. Nagpaalam na kami kay Raffy. May inabot akong sulat sa kanya.

Hindi pa kami nakakalayo pinatigil ko si Dennis.

“D’yan lang tayo! Igilid mo lang d’yan Dennis.”  Sumunod naman si Dennis.

Paghinto ng sasakyan bumaba ako. Sumunod naman sila.

“Ano nanaman ang trip mo ha?” takang tanong ni Jennica.

“Bakit tayo huminto?” tanong din ni Dennis.

“Akin na yung susi mo.” inabot n’ya naman yun sakin.

Nagbungkal ako nglupa tapos nilagay ko yung susi dun.

Mr. Pilosopo Meets Ms. Taong bundok (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon