CHAPTER 52

4K 112 5
                                    

Chapter 52

 

(Mansanas)

 

-=Jazz=-


Ang tagal naman ni Jessie. kinakabahan na ako ano ba kasi ang nangyari kay Ken? susunduin ko na kasi dapat pinigilan pa ako ni Jessie.

*Ding..dong…ding..dong..

Agad naman akong tumungo sa pinto para pagbuksan sila. Si Ken halos hindi na makatayo akay-akay ni Jessie.

“O bakit nandito yung ashawa ko? naalala nya na ba?” sabi ni Ken.

“Ken, bakit ka ba uminom?”

“Ay hindi n’ya alam. Nakalimutan ko tanga nga pala yung ashawa ko!”

Sabi n’ya sabay ngiti pa. naku kung hindi ka lang lasing nakatikim ka na ng suntok sakin e.

“Jessie pakidala na s’ya sa kwarto n’ya.”

“Sige.” Sagot naman ni Jessie. akmang aakayin n’ya na ulit si Ken paakyat ng bigla itong nagsalita nanaman.

“No..No..NO! hanggang d’yan ka lang Jessie. labas..labas… baka mamaya n’yan gapangin mo pa ang ashawa ko. bitawan mo ko dito… dito na lang.. uwi ka na.”

Binatawan naman s’ya ni Jessie kaya sumubsob s’ya sa sahig.

“Hahaha gago ka talaga Jessie ka. bakit mo ko binitawan? Lashing ka no? wi kana!”

“Sige na Jessie ako na ang bahala sa kanya.”

“Sigurado ka ba? lasing na lasing si Ken, baka kung ano ang magawa n’ya sayo.” Alalang sabi naman ni Jessie.

“Ang tanga neto ni Jessie. anong gagawin ko naman d’yan? E mahal na mahal ko yan kahit sinasaktan n’ya ako.”

Sabi naman ni Ken na nakahiga na ngayon sa sahig.

“Sige na Jessie, kaya ko na ito.” Sabi ko tumango naman si Jessie at tuluyan ng umalis.

Inalalayan ko naman si Ken na makatayo.

“O ashawa ko bakit mo ko pinapaakbay sayo? Ayoko kitang akbayan, kasi galit ako sayo.”

“Ano bang pinagsasabi mo? inaalalayan kitang makaakyat sa taas no.”

“Ha? Bakit ashawa ko? lumpo na ba ako?”

Hindi ko nalang sinagot ang tanong n’ya ang kulit e baka kung saan pa makarating ang usapan namin.        

Inalalayan ko na s’ya para makahiga. Tapos dahan-dahan kong inalis ang damit n’ya.

Mr. Pilosopo Meets Ms. Taong bundok (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon