Chapter 44
Pag ako ay iwan mo mamamatay ako.
-=KEN=-
3am pa lang umalis na ako sa bahay hindi talaga ako nakatulog. Pero hanggang ngayon hindi pa rin ako nakakaramdam ng antok. Iniisip ko si Jazz, nakatulog kaya s’ya? nag-ala Vince ako ah. Kanina pa ako nakatambay dito sa labas ng bahay nila Nash. Inaabangan ko si Jazz na lumabas. Nawala ang tapang ko. Natatakot akong lumapit sa kanya kaya tatanawin ko na lang muna s’ya.
Maliwanag na pala. Papasok na si Jazz, ihahatid kaya s’ya ni Nash? Maya-maya nakita ko rin syang lumabas.
T____T namimiss na kita Jazz. gusto ko sanang sabihin sa kanya. ito kasalukuyan akong sumusunod sa kotse ni Nash. Hanggang sa makarating s’ya sa school ni Jazz. nung masigurado kong nasaloob na si Jazz umalis na ako para pumunta na sa office.
Nahihilo na ako. siguro dahil hindi pa ako kumakain mula kagabi.
“Hi Hon,” bati ni Grace tapos hinalikan ako sa pisngi.
“A-ano ba!” sita ko naman kay Grace.
“Sorry Hon, hindi ko napagilan.”
“Anong ibig sabihin nito? Bakit Hon ang tawag mo kay Ken?”
Napatingin kami sa nagsalita. Si Kuya Dennis.
“Nahuli ka na ata sa balita! Kami na ni Ken.”
Tumingin naman s’ya sakin.
“Anong kayo na? paano si Jazz?”
“Yung katulong? Wala na tinapos na ni Ken! kasi ambisyosa.” Sagot naman ni Grace.
Bigla namang tumakbo si Kuya Dennis. Siguradong pupuntahan n’ya si Jazz, sya nanaman ang bida. Ako wala naman akong magagawa e. pumasok na ako sa office tapos binalibag ko yung pinto. Hindi na rin naman sumunod si Grace. Pero nagtext s’ya. nag sorry tapos sabi n’ya sabay daw kami umuwi sa bahay daw s’ya ulit uuwi. Ano bang trip n’ya?
Oras na nang uwi ni Jazz. kaya ito halos paliparin ko na ang sasakyan para sunduin s’ya.
Nandito na ako sakto pagkababa ko lumabas s’ya at nagtama ang paningin naming dalawa pero agad s’yang nag iwas kasunod n’ya naman si kuya Dennis na bitbit ang gamit n’ya.
“Jazz, halika na umuwi na tayo!” sabi ko.
“Hindi na ako uuwi! Hindi ko na hihintayin pang matapos ang 6 months para palayasin mo ko. Nagkausap na kami ng mama mo sinabi ko ng aalis ako at pumayag naman s’ya.”
“Jazz hindi kita papaalisin agad diba pinagaaral kita.”
BINABASA MO ANG
Mr. Pilosopo Meets Ms. Taong bundok (COMPLETED)
RomanceMr. Pilosopo meets Ms. Taong bundok Sabi nga nila simula nung nauso si vice ganda eh wala ng makausap ng maayos. Pero paano kung si Mr. Pilosopo at suplado eh nakahanap ng katapat niya? Naisip niyo na ba kung sino ang katapat niya? masungit at pi...