CHAPTER 57

4.1K 106 5
                                    

Chapter 57

 

(May babae ba si Ken?)

 

-=Ken=-

 

Matagal tagal na rin ang relasyon namin ni Jazz at palagi lang kaming masaya. siguro ganon talaga pag pareho kayong nagmamahalan. Ingat na ingat kayo na wag masaktan ang damdamin ng isa’t-isa. Hindi totoo yung sinasabi nila na babae ang nagdadala sa isang relasyon. Ang totoo lalaki talaga. Basta masakyan mo lang ang trip ng mga babae walang magiging problema at ang sikreto sa matatag na pagsasama? Simple lang tiwala masasabi kong malaki talaga ang tiwala namin sa isa’t-isa.

*Ring….ring…

Mahlabs: “Hello.”

Ako: “Hello, mahlabs. Kamusta?”

Mahlabs: “Bakit ang tagal mo namang sagutin? Siguro kausap mo si Grace d’yan.”

Ang ganda diba? Kakasabi ko lang malaki ang tiwala namin sa isa’t-isa biglang TH s’ya. T____T

Ako: “Ikaw talaga mahlabs TH ka nanaman. Hindi ko po kausap si Grace. Bakit nga pala napatawag ang mahal ko?”

Mahlabs: “Wala naman gusto ko lang malaman kung kumain ka na ba.”

Ako: “Opo kumain na ako. ikaw ba?”

Mahlabs: “Oo kumain na rin ako. mahlabs anong oras ka pa aalis dyan? Malapit na ang uwian ah.”

Ako: “Hindi muna kita masusundo, ipapasundo na lang kita kay Justine. Pasensya na may biglaan kasing meeting.”

Mahlabs: “WAG NA. KAYA KONG UMUWI MAG ISA.”

*Toot…toot…toot…toot…

Haist tama bang sigawan ako? asar ah. Bwisit kasi itong si Gracia biglang nagpatawag ng meeting. Ugali na ata n’ya ang sirain ang relasyon namin ni Jazz. dibali babawi na lang ako sa kanya pag uwi.

-=JAZZ=-

 

Nakakainis talaga si Ken. nagiging ugali n’ya na ang sirain ang pinangako n’ya. nakakaasar talaga.

“Mahfriend pasan mo ang daigdig?” nasa tabi ko na pala si Jennica hindi ko man lang namalayan.

“Anong sinasabi mo?” tanong ko.

“Eh kasi yang mukha mo parang lahat ng problema ng mundo dala-dala mo.”

“Baliw! Hindi nakakainis lang kasi si Ken. biglang hindi nanaman n’ya ako masusundo ngayon.”

“Ay naku! Alam mo friend, pag ganyan baka may iba na.”

Mr. Pilosopo Meets Ms. Taong bundok (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon