Chapter 39
Dumating na si Ken. ^_^
*******************************************************
-=JAZZ=-
Yung boses na yun kahit nakapikit ako kilalang-kilala ko. Kumabog ng malakas ang dibdib ko. Dahan-dahan akong lumingon.
“Ken?”
“Keeeeen!”
“Keeeeeeeeeeeeeeeen!” puro yun lang nasabi ko pagkakita ko sa kanya. tapos hindi ko alam kung bakit pero naiyak ako. Sabihin n’yo ng OA ako pero hindi ko talaga napigilan ang sarili ko. Yumakap ako sa kanya naramdaman ko namang yumakap din s’ya sakin.
“D-dumating ka na pala Ken.” sabi ni Jessie.
“Oo kaya tapos na ang maliligayang araw mo! hindi ka talaga mapagkakatiwalaan!” sagot naman ni Ken.
“Grabe ka naman ginawa ko lang naman ang gawain mo, diba yun ang bilin mo?”
“Oo pero hindi kasama sa sinabi ko ang pagiging BF n’ya.!”
Hindi ko nakikita ang reaction ni Jessie habang inaaway s’ya ni Ken kasi nakayakap ako pero alam kong wala na si Jessie sa likod ko dahil narinig ko yung yabag n’ya palayo.
“Hoy ang OA mo naman! Saka umalis ka nga dyan nababasa yun damit ko oh!
Lumayo naman ako agad pagkasabi n’ya non.
“Ken, namiss kita”
“hoooooh kaya pala hindi ka nag-rereply sa mga text ko sayo! Mamaya kita kakausapin tungkol d’yan sa ngayon pumasok na muna tayo sa loob. Bakit ba nandito ka sa labas? Tanga ka talaga hindi mo ba alam na sa loob ang party?”
“Alam ko! Sinundan ko lang si Justine kaya nasa labas ako.saka bakit ako pa ang mayayari sayo? Ikaw nga itong hindi tumupad sa pangako mo!”
Ayan nanaman s’ya sinapian nanaman s’ya ng masamang ugali n’ya.
“Wow mga alibi mo eh no! Justine, e si Jessie yung nakita kong kausap mo. Anong hindi tumupad? Ito na nga ako nakatayo na sa harap mo.”
“Hmp, Ewan ko sayo bahala ka kung ayaw mo maniwala. Nakakainis hindi mo man lang pinansin itong ganda ko inaway mo nanaman ako! Basag trip ka talaga!” sigaw ko tapos sinimangot-an ko sya nakakainis kasi.
“Tara na sa loob.” Sabi n’ya sabay lapit n’ya sakin ng braso n’ya. siguro para kapitan s’ya. kaya kumapit naman ako. Kunwari pa ako malandi rin pala hoho.
Kusang huminto ang paa ko pag kakita ko sa mga tao. Bakit parang mas marami ang tumitingin sakin ngayon? Dahil ba si Ken ang escort ko.
BINABASA MO ANG
Mr. Pilosopo Meets Ms. Taong bundok (COMPLETED)
RomanceMr. Pilosopo meets Ms. Taong bundok Sabi nga nila simula nung nauso si vice ganda eh wala ng makausap ng maayos. Pero paano kung si Mr. Pilosopo at suplado eh nakahanap ng katapat niya? Naisip niyo na ba kung sino ang katapat niya? masungit at pi...