Chapter 61
-=Jazz=-
Kanina pa ako lumalakad palayo. Pero parang hindi natatapos ang nilalakaran ko
“Excuse po… excuse po… excuse po…” paulit ulit na lang ako pero ang hirap patabihin ng mga tao sa paligid ko. nanlalabo pa ang mata ko dahil sa luha ko. bakit ba kailangang mangyari sakin ito. Narinig kong nagpatuloy na ulit sa pagsasalita si Ken.
Nandito ako sa harap mo Grace para tuparin ang kasunduan natin. . .
Hindi ko alam pero napahinto ako sa paglakad ko nung narinig ko ulit ang boses ni Ken, para kong tanga ang sakit-sakit na nga gustong gusto ko pa rin marinig kung anong sasabihin n’ya baliw na talaga ako. at talagang baliw na ako dahil humarap pa ulit ako sa kanila. Kaya nakitang kong lumuhod si Ken. tapos hinawakan n’ya sa kamay si Grace, si Grace naman umaarte ng mangiyak-ngiyak kunwari. Bigla ko namang naalala yung sinabi ni Grace na yayayain s’yang mag pakasal ni Ken. kapag ginawa nga yun ni Ken, pakiramdam ko hihimatayin ako dito. Tuloy pa rin sa pagtulo ang luha ko.
“Habang buhay kitang magiging princesa.”
Pagkasabi non ni Ken tuluyan na ako bumagsak sa sahig.
“Jazz tumayo ka d’yan.” Sabay lahad ng kamay sakin ng kung sinong hindi ko pa naaaninag kasi hilam na hila na ako sa luha ko.
“Ako ito si Dennis.” Pagpapakilala n’ya nahalata n’ya ata na hindi ko s’ya makilala. Napayakap naman ako at dun nag-iiyak sa kanya.
“At habang buhay naman kitang magiging principe.” Sagot naman ni Grace.
“Dennis, pwede mo ba akong i-alis dito.” Pagmamakaawa ko kay Dennis.
“No, Grace. Habang buhay kitang magiging princesa dahil ako, habang buhay akong magiging alipin mo. kasi hindi ko kayang tuparin ang pinangako ko hindi ako tumupad sa kasunduan natin. dahil may mahal na ako at mas gugustuhin kong maging alipin habang buhay kesa ang makitang nasasaktan ang mahal ko at may yumayakap sa kanyang iba. Sorry Grace pero hindi kita kayang pakasalan.”
Hilam ako sa luha ko pero rinig na rinig ko ang sinabi ni Ken. kaya napatingin ako sa kanya at kitang kita ko tumalon s’ya sa stage at biglang nahawi ang daan sa gitna tumabi ang mga tao at tumakbo si Ken, palapit sakin.
Niyakap ako ni Ken.
“Mahal na mahal kita Jazz.”
“Ken, mahal na mahal din kita akala ko hindi ka tutupad sa pangako mo.”
“Tumupad ako Jazz, ikaw ang hindi tumupad pinangako mo sakin na hinding hindi mo na pagdududahan ang pag-ibig ko.”
“Sorry Ken.”
“Balak mo pa akong iwanan dito. San ka ba pupunta? Diba ipapakilala kita? Bakit ba yakap yakap mo itong si Kuya?”
BINABASA MO ANG
Mr. Pilosopo Meets Ms. Taong bundok (COMPLETED)
RomanceMr. Pilosopo meets Ms. Taong bundok Sabi nga nila simula nung nauso si vice ganda eh wala ng makausap ng maayos. Pero paano kung si Mr. Pilosopo at suplado eh nakahanap ng katapat niya? Naisip niyo na ba kung sino ang katapat niya? masungit at pi...