Chapter 20
(Grabeng away.)
-=JAZZ=-
Ngayong nakasama ko si Dennis mas naintindihan ko na s’ya. pag tinignan mo akala mo s’ya ang pinaka maayos sa lahat. Pero ang totoo s’ya pala ang pinaka kawawa kasi kinailangan n’ya pang mamili. Siguro kung sakin yun ginawa hindi ko na alam kung anong pipiliin ko.
“Sige Jazz bye. Salamat ulit.”
“Wala yun. Ako nga dapat magpasalamat sayo e. sinundo mo ko.”
“Wala yun sinamantala ko lang habang wala si Ken.” Ngumiti na lang ako tapos umalis na s’ya.
Nakauwi na kaya si Ken? Siguro naman sobrang gabi na. e wala namang gabi don pagkasama n’ya si Grace. Basta si Grace ang usapan walang wal-.” Hindi ko na natapos ang iniisip ko dahil bigla s’yang sumulpot sa harap ko. At galit na galit ang mukha n’ya.
“Saan ka galling?”
“Sa M-.”
“Anong oras na?”
“Alas on-.”
“Bakit ngayon ka lang?”
“Kasi nga nagpu-.”
“Sinong kasama mo?”
“Si Dennis.” Sa wakas ngayon ko lang natapos ang sagot ko. Pero parang lalo lang s’yang nagalit sakin.
“KUNG SAAN-SAAN KITA HINANAP! HALOS MABALIW NA KO KAKAHANAP SAYO! TAPOS MALALAMAN KONG NAKIPAGDATE KA LANG. HINDI KA MAN LANG TUMAWAG PARA HINDI AKO MUKHANG TANGANG HANAP NG HANAP SAYO!”
“Bakit ka ba sumisigaw? Ikaw na nga itong-.”
“E ano naman kung sumigaw ako? Kulang pa yan sa ginawa mo sakin. Sa susunod bago ka lumandi tumawag ka man lang sa AMO mo.”
Yung LUMANDI ang nagpabagsak sa mga luha ko. Ang sakit sakit. Naninikip ang dibdib ko.
“Hindi ko maintindihan kung bakit ka nagagalit sakin. Sinundo ako ni Dennis dahil sabi n’ya. sasamahan mo si Grace. Sinundo n’ya ko para hindi na ko ulit mag mukhang tanga kakahintay sayo. Hindi man lang ako tumawag? Bkit may CP ba ko? Alam ko ba ang number mo? Ngayon malinaw na ba sayo?” pagkasabi ko non. Nakatulala lang s’ya. tumakbo na ko papunta sa kwarto ko. Ang sakit sakit. T____T
-=KEN=-
Ano bang sinabi ko? Ang tanga tanga ko talaga. Nagagalit ako agad ng hindi ko man lang inaalam kung ano nga ba ang dahilan. Hays. Nakakainis talaga ko. Bwiset..bwiset..bwiset.
BINABASA MO ANG
Mr. Pilosopo Meets Ms. Taong bundok (COMPLETED)
RomanceMr. Pilosopo meets Ms. Taong bundok Sabi nga nila simula nung nauso si vice ganda eh wala ng makausap ng maayos. Pero paano kung si Mr. Pilosopo at suplado eh nakahanap ng katapat niya? Naisip niyo na ba kung sino ang katapat niya? masungit at pi...