CHAPTER 23

5K 140 1
                                    

Chapter 23

 

(WAG N’YONG LILIGAWAN SI JAZZ, DAHIL SAKIN LANG SYA. Hindi ako nagbabanta nag uutos ako bilang leader ng grupo.)

 

-=KEN=-

Ang dami pang trabaho. Dapat pala sinet ko na lang ng ibang araw yung inuman namin. Tanongin ko muna nga kung kumpleto na sila.

To: My Angel

 

          Kumpleto na ba sila?

Pinalitan ko rin ng Angel ang pangalan ni Jazz dito. ^__^ alam kong kay Grace dapat yon. Pero pakiramdam ko totoong Angel si Jazz na pinadala para sakin. Ang baduy ko na kung ano ano ang iniisip ko.

From: My Angel

 

          Uu kaw n lng kulang. Uwian mo ko siomai ^__^

 

Langya nag-utos pa. hindi naman ako makakatanggi eh. Makaalis na nga.

“J-Jericho?”

Nagulat ako pagbukas ko ng pinto may taong nakatayo.

“Nagulat ba kita? Pasensya na ah kanina pa kita hinihintay dito eh.”

“Ano ka ba bakit hindi ka pumasok sa loob?”

“Baka kasi busy ka.”

“Medyo, tara na hinihintay na nila tayo.”

“May sasabihin sana ako sayo.”

“Mamaya na yan sa bahay.”

Hanggang makarating kami sa bahay halatang balisa itong si Jericho. Daig pa ang ng rape. Ano kayang problema nito.

Pagdating sa bahay. Nakaupo na sila  lahat mukhang kami na lang talaga ni Jericho ang hinihintay.

“Pre bakit naman ang tagal ninyong dalawa?”-tanong ni Justine.

“Ano yang dala mo? para satin ba yan?” –Vince.

“Kay Jazz ito.” Sagot ko.

“Talaga? Parang masyado namang sweet para sa isang amo ang bilhan ng pasalubong ang katulong n’ya.” sagot naman ni kuya Dennis.

Nagkatinginan kami ni kuya ng masama.ayaw n’ya talaga akong tigilan.

“Masyado naman atang pakialamero ang kuya sa kapatid n’ya.” sagot ko sa kanya. sabay tingin ng masama.

Mr. Pilosopo Meets Ms. Taong bundok (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon