CHAPTER 19

5.2K 153 0
                                    

Chapter 19

(Isa lang ang tinitignan ko. Na magiging asawa ko, ama ng mga magiging anak ko at makakasama ko habang buhay.)

-=Jazz=-

 

“Hoy Jazz! Kanina pa ako daldal ng daldal dito. Hindi ka naman ata nakikinig.”

Napatingin naman ako sa nagsalitang si Jennica.

“A-anong bang sabi mo? Pasensya ka na.” ^_^

“Lutang ka no? mukhang may nangyaring maganda ah. Magkwento ka anong nangyari sa inyo ng Prince Ken mo?”

“Masyadong maraming nangyari kahapon Jen.” ^__^

“Ano nga magkwento ka na dali.”

“Ayun pagkasundo n’ya sakin kahapon niyaya n’ya kong makipag date sa kanya!” sabi ko habang ngiting ngiti.

^o^ “ohhhhh tapos? Anong nangyari?”

“Habang kumakain kami. Sinabi n’ya sakin na liligawan n’ya ko.”

0.0           “Totoo ba yan? Niloloko mo na ata ako eh.”

“Ano ka ba. Totoo ang sinasabi ko. Gandang ganda nga s’ya sakin kahapon at alam mo ba? Sabi n’ya may kamukha raw akong artista.”

“A-artista? Talaga? Sino naman daw? Ang sweet sweet talaga ni Papa Ken mo gusto ko na talaga s’yang makilala.”

“Ano ka ba? Bakit ba ang dami mong hindi kilala? Lahat kaya silang magbabarkada kilala dito.”

“E sabi ko naman sayo wala akong kaibigan dito kaya wala akong nakakausap. Hindi ko alam sino pinag-uusapan. So ano nga sino raw yung kamukha mong artista?”

“Kiray daw.” Bulong ko kay Jennica.

“W-What?!” sigaw n’ya.

“pssssht. Ano ka ba ‘wag kang maingay. Binulong ko nga lang e. ang OA naman ng reaction mo. Sobrang ganda ba non? At ayaw mong pumayag na kamukha ko? Ay…. Gaaaraabee ka. Ang sama mo friend.”

“H-hindi yun. K-kasi.”

“Ano ba? May pic. Ka ba d’yan sa CP mo? Patingin naman.”

“H-ha? A..e… W-wala..w-wala tama wala.” Sabi n’yang halatang may tinatago. Tapos pilit na pilit yung ngiti.

“Hoy! Ikaw Jennica matagal tagal na rin ako dito. Kaya marami rami na rin akong alam. May internet naman diba? I-search mo! Go!”

“H-ha.. a-ano k-kasi.”

“Patingin na!” sigaw ko at sa gulat n’ya may pinindot s’ya sa CP n’ya at inabot n’ya yun sakin.

Mr. Pilosopo Meets Ms. Taong bundok (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon