Chapter 66
-=KEN=-
“GRACE ANO BA TIGILAN MO YAN!”
Gusto ko talanga isigaw yan pero umurong ata ang dila ko. buti na lang may sumigaw para sakin.
“Ken, ano ba? sinasaktan na ni Grace si Jazz, pinapanood mo lang.” sabi ni Kuya Dennis habang tinutulungang tumayo si Jazz.
“Sabihin mo sa kanya, wag akong landiin para hindi magalit at magselos si Grace. Pwede ba i-alis mo na dito ang babae na yan! Kinikilabutan ako sa kanya.” masakit para sakin ang sabihin ito pero kailangan ko itong gawin ang saktan s’ya. para naman mas mabilis para sa kanya ang limutin ako.
“Jazz kunin mo na lahat ng gamit mo aalis na tayo.”
“Dennis, hindi ako pwedeng umalis dito. Kailangan ako ni Ken.”
“At sinong nagsabi sayong kailangan ka ng boyfriend ko?!” sigaw naman ni Grace.
“Grace, wag ka ng sumigaw makakasama sayo yan halika na matulog na tayo para makapagpahinga ka na. makakasama sayo ang magalit.” Yun lang ang sinabi ko tapos umakyat na kami ni Grace.
“Paalisin mo na s’ya Ken.”
“TUMAHIMIK KA! WALA KANG KARAPATAN NA SAKTAN SI JAZZ. WAG TAYONG MAGKALIMUTAN DITO GRACE, GINAGAWA KO ITO DAHIL ITO ANG NAPAGKASUNDUAN NAMIN NG MOMMY MO! PERO WAG MONG KAKALIMUTAN NA ANG BABAENG SINABUNUTAN MO ANG YUNG BABAENG MAHAL KO! KAPAG INULIT MO PA YUN GAGAWIN KO SAYO KUNG ANONG GINAWA MO SA KANYA!” sa galit ko napasigaw din ako sa kanya.
“S-sorry hindi ko na uulitin.” Sagot naman n’ya.
“Umalis ka sa kama ko dahil matutulog na ako.”
“Pero saan ako matutulog?” hinagis ko naman ang unan sa sahig.
“D’yan ka matulog.” Sabi ko na ang tinutukoy ay sa sahig.
“Ken babae ako!”
“Hayop ang tingin ko sa inyong mag-ina! Hindi tao.” Pagkasabi ko non hindi na s’ya nagsalita.
Kanina pa ako nakahiga pero hindi ako makatulog iniisip ko si Jazz. sisilipin ko s’ya. bubuksan ko na sana ang pinto ko ng biglang may nagsalita.
“Ken, tulog ka na ba? aalis na ako sasama na ako kay Dennis. wag mo sanang papabayaan ang sarili mo! kahit anong sabihin mo sakin Ken hindi ako maniniwala kasi nararamdaman ko kung ano ang totoo. Mahal na mahal kita aalis ako hindi dahil sumusuko na ako. aalis ako kasi ayaw kong mas mahirapan ka.” yun lang tapos hindi ko na narinig pa ang boses n’ya.
BINABASA MO ANG
Mr. Pilosopo Meets Ms. Taong bundok (COMPLETED)
RomanceMr. Pilosopo meets Ms. Taong bundok Sabi nga nila simula nung nauso si vice ganda eh wala ng makausap ng maayos. Pero paano kung si Mr. Pilosopo at suplado eh nakahanap ng katapat niya? Naisip niyo na ba kung sino ang katapat niya? masungit at pi...