CHAPTER 48

4.2K 125 5
                                    

CHAPTER 48

 

-=Jazz=-

 

“Justine bilisan mo naman wala na bang ibibilis yan?” tanong ko kay Justine sobrang nag-aalala na ako kay Ken. T____T

“Kumalma ka nga pwede? Pag minadali mo itong si Justine baka mas lalong may mangyaring masama kay Ken.” Sagot naman ni Jessie.

“Nag toothbrush ka ba Jazz? Baka kaya hinimatay si Ken.” tanong naman ni Vincent. Tapos pinagbabatukan s’ya.

“Puro ka kalokohan.” Sagot naman ni Jericho.

“I-uwi n’yo  na ako sa bahay.”

“K-Ken?” napatingin ako kay Ken dahil bigla s’yang nagsalita.

“Ken akala ko mamamatay ka na eh.” Sabi ko sabay bagsak ng luha ko.

“Akala ko nga rin patay na ako e.”

Pagkasabi n’ya non hinampas ko s’ya sa dibdib.

“ARgH! Ano ka ba naman sinasaktan mo pa ko.”

“Wag ka kasing magsasalita ng ganon.”

“Akala ko lang naman kasi namatay ako. Nakakita kasi ako ng angel pag dilat ko ng mata ko.” Dahan dahan naman akong napangiti.

“Ang Kes-O n’yo naman nakakainggit mamaya na nga yan. Ano ba kasi talaga ang nangyari sayo ah?” singit naman ni Vince.

“Ilang araw kasi akong walang kain kaya siguro ako nahilo.”

“ANO KA BA BAKIT HINDI KA KUMAKAIN GUSTO MO BA TALAGANG MAMATAY?!” sigaw ko sa sobrang inis ko.

“ANO KA RIN BA BAKIT MO AKO SINISIGAWAN? ANONG GAGAWIN KO E SA WALA AKONG GANA. KASI IKAW NAG INARTE KA PA!”

“Ah ganon?”

“OO ganon!”

“Eh di sige, Justine ihinto mo baba na ako!” sabi ko huminto nga si Justine.

“Gusto mo yan ah!” sabi naman n’ya.

“Oo.” Sagot ko.

“Sige bumaba na kayong lahat dahil ibabangga ko itong sasakyan na ito ayaw ko na talagang mabuhay!” sabi n’ya. Nakakatuwa nag-aaway kami pero nakahiga pa rin s’ya sa lap ko.

“Psst wag mo gagawin yan ah! Sorry na.” sabi ko.

“Wag ka ngang mag sorry. Kasalanan ko sorry Jazz, hindi ko na ito uulitin basta ipangako mo lang na hindi mo na ako ulit iiwan.”

Mr. Pilosopo Meets Ms. Taong bundok (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon