CHAPTER 50

4.2K 127 13
                                    

(Pasensya na natatagalan na akong mag update pasukan na kasi po eh sorry talaga… itong chapter na ito inaalay ko sa isa sa palaging nagt-tyagang magbasa at naghihintay sa isusulat ko. sobrang thank you “SilentNicx”)

Chapter 50

 

-=Jazz=-

Kung ang hula n’yo sa kung sinong umepal e si Grace? Tama kayo s’ya nga epal diba? Yung feeling na gustong gusto ko s’yang patulan pero ayaw ko! Ewan ko ba ang gulo ko no? natigil naman ako sa pag-iisip ko kasi biglang lumapit si Ken kay Grace at dahil nakahawak sakin si Ken kasama akong lumapit kay Grace. Inilapit naman ni Ken ang mukha n’ya sa tenga ni Grace tapos bumulong.

“Binabalaan kita Grace, ito na ang huling beses na pagbibigyan kita dahil iniisip ko pa rin na minsan mong iniligtas ang buhay ko. Papalagpasin kita ngayon pero sa oras na maulit ito? Pasensyahan na lang tayo.”

Mahina ngunit sapat lang para marinig ni Grace at marinig ko. O diba ang haba ng hair ko. Mukhang natakot naman si Grace dahil nakatulala na lang s’ya ngayon. Tumalikod na kami ni Ken  at akmang aalis na kaso bigla nanamang nagsalita si Grace.

“Bakit hindi mo sabihin Ken? na syinota mo ang katulong mong galing sa bundok? Dahil inakit ka ng babaeng yan diba? Ginapang ka n’ya!”

Pagkasabi non ni Grace narinig ko yung mga bulungan. Gusto n’yo malaman? ito yon.

“Grabe ang landi pala n’yan.”

 

“Kaya ayaw ko kumuha ng katulong e baka gapangin ang asawa ko.”

 

“Aba ang tanga naman nung lalaki nagpaloko s’ya.”

 

Dahil sa mga narinig ko nanlambot ang tuhod ko. At para kong hihimatayin ano mang oras. Naramdaman naman yun ni Ken kaya napahigpit ang hawak sakin ni Ken.

“Jazz? ayos ka lang ba?” tanong n’ya.

“Ken, ilayo mo na lang ako.”

“Sige, pero mamaya na may lilinawin lang ako.” pagkasabi nun ni Ken, itinaas n’ya yung kamay n’ya tapos nag salita na s’ya.

“Pasensya na po sa abala. May gusto lang po akong linawin ayaw ko namang pumanget ang tingin n’yong lahat sa Girlfriend ko. Ang totoo hindi ko naman talaga kailangan mag paliwanag eh kaso masyado na pong nasasaktan ang Mahal ko. Opo ang babaeng ito sa aking tabi ay galing sa bundok na kinuha ko para maging katulong at ngayon pinagmamalaki ko pong sabihin sa inyong lahat na Girlfriend ko po ang taong bundok na si Jazz.”

Dahil sa sinabi ni Ken, unti unting nagbago ang tingin sakin ng mga tao sa paligid. Meron ng kinikilig may naiiyak at may natutuwa. At ako lahat yun nararamdaman ko. kaya nga napahinto si Ken sa pagsasalita dahil nakita n’yang bumagsak ang luha ko. pinunasan n’ya yun tapos niyakap ako. habang yakap yakap n’ya ako nagpatuloy s’ya sa pagsasalita.

Mr. Pilosopo Meets Ms. Taong bundok (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon