Introduction

17.6K 322 33
                                    


Althea's POV

"How many times I will tell you Dad na hindi ko kailangan ng maid or PA sa Condo ko? Kaya kong alagaan ang sarili ko!"

"Anak huwag nang matigas ang ulo. Sa ayaw at sa gusto mo ay magha-hire ako ng isang PA na mag-aasikaso sayo dito."

Hindi na lang ako nakipagtalo pa rito. Alam ko kasing hindi rin ako mananalo sa kanya. Sa halip ay tumahimik na lamang ako.

Minsan na kasi akong nag-attempt magsuicide kaya ganito na lang kaprotective sa akin ang Daddy ko.

Bunga ako ng isang broken family. Bata pa lang ako noong maghiwalay ang parents ko. Kaya feeling ko ay parang mag-isa na lang ako sa buhay. Pareho na silang may kanya-kanyang pamilya habang ako naman ay heto at parang na-trap sa isang lugar na kinasadlakan ko. Bagaman pareho sila ni Mommy na nagrereach out sa akin. Ngunit para sa akin ay iba yong nakakasama ko sila sa iisang bubong.

Lahat ng luho ko ibinibigay nila. Condo, mamahaling kotse at maging ang pagkakaroon ko ng sariling business. Subalit hindi iyon sapat para maging masaya ako. Hindi sapat ang pera at kahit na anong material na bagay dahil sila mismong mga magulang ko ang kailangan ko.

Kaya naman nang iwan ako ng isang taong pinaglaanan ko ng buong buhay ko ay hindi ko na kinaya pa. Ninais kong tapusin na lang ang buhay ko para hindi na ako makaramdam ng sakit. Kundi pa ako nakita ng bestfriend kong si Solenn na nakahandusay sa sahig na bumubula ang bibig ay baka nakalibing na ako ngayon sa himlayan ng mga patay.

"Althea anak, alam kong may pinagdaraanan ka at naririto lang kami ng Mommy mo. Mahal na mahal ka namin."

"Dad kung iniisip mong magpapakamatay na naman ako. Huwag po kayong mag-alala dahil hinding-hindi ko na po gagawin yon." Nagulat ako nang bigla na lang ako nitong yakapin at halikan sa noo. Hindi na kasi ako sanay na ganito ang erpat ko sa akin. Maybe before noong bata pa ako at buo pa kaming pamilya with my Mom. Sobrang sweet niyang ama sa akin. Ngunit nang magkahiwalay sila ay pakiramdam ko ay lumayo na rin ang loob niya sa akin at nabaling na sa bago niyang pamilya.

"Don't make me scared again anak. That woman is not worth it for you. I'm sure you'll gonna find someone better."

Isa pa pala iyon kung bakit hindi kami masyadong nag-uusap ng Dad ko. Marahil hindi niya ineexpect na ang panganay niyang anak na babae ay magiging isang out na lesbyana at bilang anak ay naiitindihan ko siya.

Saka lang ako gumanti ng yakap sa kanya. Ngayon ko lang ulit naramdaman ang pagmamahal ng isang ama. "Thanks Dad!"

Nakangiting kumawala na siya sa pagkakayakap sa akin. "I'll send here tomorrow your new PA, okay?"

"Kailangan ko pa ba talaga yon Dad? May on call naman akong tagalinis at taga-laundry ng mga damit ko. So I don't think if I still need another person para mag-asikaso sa akin."

"I want someone who will look after you. Since hindi ko iyon magawa sayo kasi magkaiba tayo ng inuuwian. Kung sana lang ay pumayag kang sa bahay na lang ulit tumira." Malungkot nitong pahayag sa akin. Minsan na kasi akong tumira sa bahay niya kasama ng bago niyang pamilya. Ngunit dahil sa minsan na rin akong pinagmulan nila ng away ng bago niyang asawa kesyo mas mahal raw ako ni Dad kaysa sa mga kapatid ko sa ama ay napagpasyahan kong kumuha na lang ng Condo. Noong una ay tinutulan ni Dad ngunit pumayag rin kalaunan.

"But Dad you know naman kung bakit ayaw kong tumira sa bahay mo di ba? Even to my Mom house. Feeling ko isa akong outsider. Kaya okay na ako dito sa Condo ko."

"Kung yan ang gusto mo anak. By the way, yong ipapadala ko sayo na PA. Naging Scholar siya ng Monticello Foundation. Kaya meron siyang five years na work commitment sa kompanya. She's a fresh graduate and a cumlaude sa kursong BS Culinary Arts. Napakahusay at napakasipag niyang bata, anak."

You Got MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon