Althea' POV
Sa tulong nina Manang Cynthia at ng Lawyer ni Dad na si Attorney Rosales ay napadali ang papers ng pag-adopt namin sa batang si Erika. Isa na rin siyang Monticello sa pangangalaga namin ng asawa kong si Jade.
May mga tumutol na ibang kamag-anakan dahil sa sitwasyon namin ni Jade na hindi raw normal sa paningin ng ibang tao. Ngunit pera lang ang naging katapat nila upang manahimik. Wala rin naman sa kanila ang may gustong kumupkop sa bata kundi si Manang Cynthia lamang.
Noong una ay hindi ako sinang-ayunan ni Dad sa desisyon ko na ampunin ang bata. Magkakaroon naman daw kasi kami ng tunay naming anak. So bakit pa raw namin kailangan mag-ampon. Maging si Mommy ay sinubukan ring tumutol nang ipaalam ko sa kanya ang tungkol kay Erika. Ngunit nang mapaliwanagan ko sila pareho ay sinuportahan na rin nila ako.
"Hoy, bata! Okay ka lang?" Nakatulala kasi ito at tahimik na nakaupo sa tabi ko sa may passenger seat ng sasakyan. Kasalukuyang bumabyahe na kami pauwi ng condo bitbit na ang mga kakarampot niyang mga gamit. Hindi ko na kasi pinadala ang iba pa dahil bibilhan na lang namin siya ng mga bagong gamit.
Tumingin siya sa akin at pagkatapos ay tumango. "Opo.." Malungkot ang tinig niyang tugon. Mahigit isang buwan na rin ang nakalipas mula nang mangyari ang trahedya sa kanyang mga magulang.
"Huwag ka na malungkot bata. I'm sure na masaya na rin ang mga magulang mo kasi may mag-aalaga na sayo." Hindi siya sumagot. Nanatili lang siyang nakatingin sa akin. "Pihadong matutuwa si Mama Jade mo kapag nakita ka niya. Excited siyang ampunin ka eh."
Pagliko ko sa may u-turn ay saka siya nagsalita. "Kayo po ba? Okay lang po ba sa inyo na ampunin ako?"
Natigilan muna akong sandali pero agad ring nakabawi. "Siyempre hindi.." Sa muling pagbaling ko ng tingin sa kanya ay bahagya akong natawa. Napasimagot kasi siya at tila mas lalo pang nalungkot. "Biro lang bata." Sabay gulo ko sa buhok niya. "Oo naman okay lang sa akin. Kasi magkakaroon na ng ate si baby junior ko. Dahil mula ngayon ay anak ka na rin namin ng Mama Jade mo." Napansin ko na napangiti na siya. "Pero namamalo ako ng mga batang pasaway. Kaya magpapakabait ka ha? Huwag na huwag mong pasasakitin ang ulo ng Mama Jade mo."
"Opo.." Matipid lang niyang tugon. Tila nahihiya pa siyang tawagin akong Mommy.
"Just call me Mommy, okay ba yon?" Nakangiting tumango siya sa akin. "Alright! Give me five."
+++++++++
Pagdating namin sa condo ay hindi ko muna pinapasok si Erika. I want to surprise my wife. "Baby love meron pala akong regalo para sayo." Sabay halik ko sa noo niya.
"Bakit anong okasyon love? Hindi ko pa naman birthday." Sabog-sabog ang buhok niya at may kaunti pang panis na laway sa kabilang gilid ng labi. Magkaganon man ay hindi iyon nakabawas sa kagandahan ng mukha niya. Actually mas nacucutan pa nga ako sa kanya. Kagigising lang kasi niya. Nakaidlip raw ulit siya nang sandaling umalis ako kaninang umaga.
Lumabas akong muli at pinapasok ko na ang batang si Erika. "Nandito na ang panganay natin. Surprise!!"
Kitang-kita sa mukha ng asawa ko ang sobrang kasiyahan at galak nang matunghayan ang batang kasama ko. "Oh my god! Erika?"
"Mama Jade.." Nahihikbing bigkas ng bata. Animoy isang taon na hindi sila nagpangita.
"Halika dito anak!" Tumakbo ang bata papalapit upang mayakap nila ang isa't-isa. Napaiyak naman ang asawa ko sa sobrang tuwa. "Namiss kita sobra."
"Salamat po sa pag-ampon sa kin." Humihikbi pa rin nitong saad.
Tahimik na pinanood ko lang sila. Deep inside in my heart ay masaya rin ako sa pagdating ni Erika sa buhay namin. Sobrang laki ng pasasalamat ko sa panginoon sa mga blessings na natatanggap ko.
BINABASA MO ANG
You Got Me
FanfictionSabi nila ang One Great Love raw ay mahirap kalimutan. Lalo na kung malalim ang iniwang sugat sayo. Ngunit paano kapag natagpuan mo ang One True Love mo? Iiwas ka ba sa takot na masaktang muli? More JaThea's love story po ulit. 😉