Chapter 20

6.5K 276 34
                                    

Jade's POV

Ngayon sana ang usapan namin ni Dandan na magkikita ngunit tumawag ito at sinabing hindi raw siya pwedeng makipagkita. Meron daw emergency na nangyari sa kanila. Knowing him ay isang nakapakalaking palaisipan. Dahil for the first time ay nagkansela ito ang aming lakad. Dati rati ako palagi ang inuuna niya.

Mukhang ayaw pa ng pagkakataon na makipaghiwalay ako sa kanya. Di bale marami pa namang susunod na araw. Pagkatapos naming makapagsimba at makapamasyal sa mall na siyang kinagawian naming pamilya tuwing Linggo ay hindi na ako sumamang pauwi sa bahay namin. Sa halip ay dumiretso na lang ako pabalik sa condo ng maganda kong amo.

Alas kwatro ng hapon ako nakarating subalit wala doon si Althea. "Saan kaya siya nagpunta?"

Pagkapalit ko ng pambahay ay inihanda ko na ang mga sangkap na aking lulutuin para sa aming hapunan.

Natapos ko na ang aking mga niluluto ngunit hindi pa rin siya dumarating. Tatawagan ko na sana siya nang biglang bumukas na ang pinto at iluwa ang kanina ko pang hinihintay. "Oh, love saan ka galing?"

Medyo nagulat pa ito pagkakita sa akin na tila nanggaling sa malalim na pag-iisip. "Hi baby nandito ka na pala." Lumapit siya sa akin at hinagkan ako sa pisnge. "Kamusta ang lakad mo? Nagkita rin ba kayo ng boyfriend mo?"

Tipid na ngumiti at umiling ako sa kanya. "Meron raw emergency sa kanila. Sorry love huh?" Malambing na yumakap ako sa kanya. "Hayaan mo makikipagbreak na talaga ako sa kanya once na makipagkita na siya sa akin." Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong hininga at pagkatapos ay gumanti rin ng yakap sa akin. "Siya nga pala love nakapagluto na ako ng dinner natin."

"Tamang-tama! Nagugutom na nga ako. Tara na kumain."

"Wait lang." Pigil ko sa kanya. "Saan ka pala galing love?"

"Hayun nakipagkita kay Batchi sa labas. Naaksidente pa yon kaninang umaga. Buti na lang at hindi napuruhan."

"Ano? Eh ikaw? Okay ka lang ba?"

Napatawa siya sa naging reaksyon ko. Masyado kasi akong naging OA sa pag-aalala sa kanya. "Relax baby! Si Batchi lang yon hindi niya ako kasama nung maaksidente siya."

"Kung may nangyaring masama sayo love. Naku ka! Hindi ko alam ang gagawin ko."

"Sshh.. Baby ano ba! Kinikilig ako eh.."

"Hindi ako nagbibiro." Sabay hampas ko sa braso niya.

"Aray! Baby masakit yon huh?"

"Sorry-sorry.." Sabay tawa ko at yinakap ko ulit siya. Ang sarap niya kasing yakapin. Bukod sa malambot ang katawan niya ay ang bango-bango pa. Bahala siya kung amoy ulam ako.

Nagulat ako nang lumilikot na ang mga kamay niya sa dibdib ko kaya't mabilis na umagwat na ako sa kanya. "Love ninja talaga yang mga kamay mo." Natatawa kong turan sa kanya na tinugon niya ng malakas na tawa.

"Yakap ka kasi ng yakap baby. Alam mo namang konting dikit mo lang sa akin ay nag-iinit na ako.😁"

"Nakakaloka! Hindi makahintay ng bedtime.😂"

"Di ba sinabi mo noon na gusto mong minamanyak kita?"

"Weh? Sinabi ko ba yon?" Napa-pout siya sa akin na itsurang nagtatampo. "Sus! Oo na po sinabi ko na. Tampuhin naman nitong love ko. Pakiss nga!" Hinawakan ko ang magkabila niyang pisnge at hinalik-halikan ang lips niya ng maraming beses. "I love you.." Mahinang bigkas ko habang titig na titig sa mga mata niya. "Ayiieh.. ngingiti na yan." Inirapan niya ako ngunit hindi niya naitago ang ngiting kumawala ng kusa sa mga labi niya. "😂 Kinikilig siya oh!"

You Got MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon