Chapter 17

6.4K 247 18
                                    

Althea's POV


Pagdating ko sa office kahapon after naming maglunch sa AK ay agad kong kinausap ang secretary kong si Sanya. Noong una ay hindi pa siya pumayag ngunit dahil ako ang amo ay wala siyang magagawa. Ako pa rin ang masusunod.

"Love sure ka ba na gagawin mo akong secretary mo?"

Sumulyap ako sa kanya saglit saka ko muling itinutok ang tingin sa daan. Nagda-drive ako on the way sa opisina kasama si Jade. "Relax! Tingin mo pababayaan kita? Kayang-kaya mo yon. Sanya will teach you everything." Sa muli kong pagsulyap sa kanya ay nahuli ko siyang nakangiti. "Para sa akin ba yang smile na yan?"

Napatawa siya ng bahagya. "Wala lang, nakakainis na nakakakilig ka kasi." Aniya habang naiiling at tutok na tutok sa akin ang tingin. "Alam ko namang ginagawa mo lang ito para sulitin ang mga araw na magkasama tayo."

Napabungisngis ako ng tawa. "Nainis po kasi ako kahapon. Kailangan mo pang magpaalam kay Bessy para lang saluhan kami maglunch. Samantalang ako dapat ang priority mo since PA kita."

"Siyempre ayoko naman maging bastos. Hindi porque anak ka ng may ari ay basta na lang ako susunod sayo ng ganon na lang na hindi nagpapaalam sa superior ko."

"Kaya nga pinaalis na kita doon. Gusto ko ako lang ang susundin mo." Sabay kindat ko sa kanya.

"Tss! Hindi ka ba nagsasawa sa mukha ko?"

"I don't think so, baby! Masyado akong baliw sayo." Hinagilap ko ang isa niyang kamay at hinalikan ko na hindi tumitingin sa gawi niya. "Ikaw lang ang gustong nakikita ng mga mata ko."

"Sexretary naman yata ang kailangan mo eh not secretary." Aniya sabay tawa.

"Jade?!" Pinanlakihan ko siya ng mga mata at itinigil ang sasakyan sa isang tabi.

"Love joke lang yon. Bakit mo itinigil ang sasakyan mo dito?"

"Iniisip mo ba na sex lang ang habol ko sayo?" Seryoso kong tanong sa kanya.

"Hey! I'm just kidding."

"Kung ayaw mong magtrabaho bilang secretary ko sabihin mo lang!"

Hinawakan niya ang pisnge ko upang pakalmahin ako. Alam niya kasing umiinit na naman ang ulo ko. "I'm sorry kung hindi maganda ang dating sayo ng biro ko. But believe me or not, masaya ako na ginagawa mo ito. Kasi ito rin ang gusto ko. Gusto ko rin na palagi kang nakikita at nakakasama."

Ngunit hindi ako kumbinsido sa kanyang sinabi. Marahil takot lang siya na magalit ako. "Ibabalik na lang kita sa AK. Bukod sa mas nag-eenjoy ka doon ay gamay mo rin ang trabahong pang-kusina." Magmamaneobra na akong pabalik nang pigilan niya ang isa kong braso.

"No! Sasama ako sayo sa opisina mo. Huwag ka na magalit please.." Naiiyak na niyang makaawa sa akin.

"Hindi ako galit sayo. Sa sarili ko ako nagagalit dahil napaka-selfish ko. Hindi man lang kita tinanong muna bago ako nagdesisyon." Naglook away ako at nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga. Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil-pisil.

"Well for me is tama ang naging desisyon mo. Gusto kong maranasan na maging secretary mo kahit na pansamantala."

Sinulyapan ko siya at pinag-aralang mabuti ang mukha niya upang makasiguro kung nagsasabi ba talaga siya ng totoo. "Mahal mo ba talaga ako?" Bigla kong naitanong sa kanya na kanyang ikinangiti.

"Sa mainitin ng ulo mong yan. Tingin mo magtitiis pa ako sayo ng ganito kung hindi kita mahal?"

"So mas mahal mo na ako kaysa sa boyfriend mo?" Muli kong banat sa kanya upang subukan siya.

You Got MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon