Chapter 38

4.5K 209 37
                                    

Althea's POV

"Anne?"

"Hi.. Hindi mo man lang ba muna ako papapasukin?" Sa itsura nito ay waring lasing ito.

"Anne lasing ka, sandali itatawag na lang kita ng taxi para maihatid ka sa inyo."

"No! Althea please mag-usap muna tayo." Nagsusumamo niyang pakiusap sa akin. Huminga ako ng malalim saka ko siya hinayaang makapasok.

"Sige maupo ka. Kukuha lang ako ng coffee para mahimasmasan ka."

Pagkatalikod ko ay bigla na lang niya akong niyakap ng mahigpit sa likuran ko. "I want you Babe. Make love to me kahit ngayon lang Babe. Please.." Nanindig ang mga balahibo ko nang maramdaman ko ang paghalik-halik niya sa leeg ko.

Agad akong kumawala sa pagkakayakap niya at galit na hinarap siya. "Ano bang ginagawa mo Anne? I'm not your babe anymore! May mahal na akong iba and I believe ganon ka rin."

"I miss your touch. Mahal pa rin kita." Umiiyak niyang sabi sa akin at bigla na lang akong hinalikan sa lips ko. Kaya naitulak ko siya at nasampal sa mukha. PAK!!

"Bakit ba hindi ka makuntento sa asawa mo? Nakukulangan ka pa ba sa romansa niya, huh?" Bastos na kung bastos. But I have to do this to stop her.

"Thea believe me.. hindi ka nawala dito sa puso ko. Hindi naman ako nakikipagbalikan sayo eh. Gusto ko lang na..."

"To have sex with me? Oh, c'mon!" Pang-uuyam ko sa kanya. Natigilan siya at hindi nakaimik. "Look Anne.. matagal mo nang tinapos ang lahat sa atin. Minahal kita noon ng higit pa sa sarili ko, but you choose to break my heart. Ngayong may mahal na akong iba please stay away from me. Dahil baka hindi ko na kayanin pa ang susunod pang heartbreak. Masyado kong mahal si Jade para hayaan ko rin siyang mawala sa akin."

Malungkot siyang napatungo at pagkatapos ay impit na napaiyak. "Yeah.. I understand Thea. Kung pwede ko nga lang sana kayong mahalin noon pareho ng sabay ni Erwan ay ginawa ko na para lang hindi kita masaktan. But I have to choose between you and Erwan. Masakit din sa akin na hindi ikaw ang pinili ko."

"Don't be selfish Anne. Makuntento ka na lang sa isa. Mag-asawa na kayo ni Erwan eh.. Ano pa bang hinahanap mo?"

"Hindi ko rin alam Thea. Kapag naaalala kita. Parang bumabalik sa akin ang kung anong meron sa atin dati." Naiiling na napatingin ako sa kanya. "May mga ugali ka na gustong-gusto ko na hindi ko makita kay Erwan." Pagpapatuloy niyang kwento. "Minsan.. minsan naiisip ko na sana ikaw na lang ang pinili ko. Pero wala na akong magawa. Kasi nangyari na lang bigla. Hindi ko na kayang ibalik pa ang kung anumang meron sa atin noon."

"My god Anne! That was almost five to six years ago. Ngayon mo palang naiisip ang worth ko noon sayo?" Hindi na naman siya nakasagot. Umiiyak na napatungo ulit siya. "Alam mong muntikan ko nang ikamatay ang pag-iwan mo sa akin. Kasi ganon kita kamahal noon. Ni hindi ko nga alam na maiinlove pa ulit ako sa iba eh. But god is great! He gave me Jade."

"M-mahal mo ba talaga ang babaeng yon?"

"Mahal na mahal ko siya Anne. Wala na akong ibang mahihiling pa. Siya lang para sa kin ay sapat na." Mabilis kong tugon sa tanong niya.

"Okay." Aniya sa paos na tinig at pagkatapos ay tumango-tango. "Aalis na ako Thea. Mag-iingat ka palagi. Masaya akong malaman na masaya ka na sa piling ni Jade." Nakangiting tumango ako sa kanya. "Pwedeng payakap ulit kahit sandali lang?"

"Oo naman Anne. Halika nga dito." Kinabig ko siyang payakap. Pareho pa kaming nagkatawanan na animoy walang tensyong naganap kanina sa pagitan namin. Hinalikan ko siya sa ulo niya bago ko siya tuluyang binitiwan. "Ang dapat kasi sa inyo ni Erwan gumagawa na ng baby. Hindi ba kayo makabuo o hindi pa lang talaga kayo ready na magkababy?"

You Got MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon