Chapter 12

6.7K 255 10
                                    

Author's POV



Maagang umalis si Jade sa condo, Sunday ng umaga upang magsimba kasama ang kanyang pamilya. Nag-iwan na lang siya ng notes kay Althea na iinit na lang ang almusal na kanyang niluto para rito.

Pagkatapos nilang magsimba ay naisipan ng Papa ni Jade na magpagupit muna ng buhok kasama ang bunsong anak na si Justin. Pinauna na nito ang asawa kasama ang panganay na anak sa mall at sinabing susunod na lang raw silang mga boys. Nagbiro pa ito na magshopping muna raw silang mga girls habang naghihintay sa kanila.

"Nak, kamusta ang training mo sa mga Monticello?" Tanong ni Judith sa anak na dalaga. Nakasakay na sila sa jeep sa mga sandaling iyon.

"Okay naman po Ma.. One month na lang po at matatapos na ang training ko sa kanila." May lungkot sa tinig nitong tugon sa ina.

"Oh, hindi ba't dapat na maging masaya ka dahil matatapos na ang training mo?" Napansin pala nito iyon sa kanyang anak.

Naalala ni Judith ang anak ni Mr. Monticello na kasa-kasama nito na kumain sa karenderya kamakailan. Waring bumalik ang sakit sa kanyang dibdib nang maalala ang mapait na kahapon pagkakita sa mukha nito.

"Siyempre masaya ako Ma.. Bukod sa matutupad ko na ang pangarap ko ay namimiss ko na ring umuwi sa bahay natin."

"Ehm!" Tikhim niya bago ulit nagsalita. "Close ba kayo ng anak ni Mr. Monticello nak?"

Tila nalunok nito ang dila at hindi agad nakasagot. "Uhm! M-medyo Ma.. May pagkamasungit po kasi yon tapos ang moody pa. Si.. si Chef Solenn po ang super close sa kanya dahil magbestfriend po sila."

"Ganon ba nak?" Nag-aalangan siya sa susunod niyang itatanong rito. "Yong.. yong mommy niya na-meet mo na ba?"

"Hindi pa po Ma.. Si Mr. Monticello pa lang po ang nakikita ko. Alam mo Ma napakabait po ng Daddy niya. Kasing bait siya ni Papa. Tapos magkasing pogi pa." Sabay tawa nito ngunit agad ring napatigil nang mapansing nakatingin lang siya rito. "Ma okay lang po ba kayo?"

Ngumiti siya ng pilit saka tumango. "Oo naman nak. Ayan na! Naririto na pala tayo." Bumaba na sila ng jeep at magkaagapay na pumasok na sila sa loob ng mall.

Habang naglilibot sila ay halos mapatili si Jade dahil napakaraming sale. "Ma.. magsusukat po ako."

"Sige lang nak. Hintayin na lang kita dito."

Pagpasok ng kanyang anak sa fitting room ay may biglang humawak sa braso niya. "Mag-usap tayo Judith." Nanlaki ang mga mata niya nang mapagtanto niya kung sino ito. Hinayaan lang niya na hilahin siya nito patungo sa exit door. Maging siya kasi ay gusto rin itong makausap.

"Lucy anong ginagawa mo dito?" Hindi siya makapaniwala na muling makakaharap ito na ganitong kalapit.

"Namiss mo ba ako mahal ko?"

"Lucy kasama ko ang pamilya ko. Kaya kung may sasabihin ka sabihin mo na ngayon."

"Bakit ka kilala ng anak ko?" Diretsahan nitong tanong sa kanya.

"Ano?"

"Pinuntahan niya ako noong isang araw. Nagtatanong siya kung may kilala raw akong Judith Loyzaga Navarro. So paanong nalaman niya ang full name mo?"

"Magkakilala sila ng anak ko dahil nagtatrabaho si Jade sa Monticello Group."

Pagkarinig ni Lucy sa pangalang Jade ay parang familiar sa kanya. "Yon ang pangalan ng anak mo?"

"Oo Jade ang pangalan niya. Nabigyan siya ng schoolarship ng Monticello group dahil sa taglay niyang talino. Ngunit kung ako lang ang masusunod ay ayokong tanggapin ng anak ko yon. Subalit wala akong maibigay na rason para tanggihan niya. Ngayon ay nakatali siya ng limang taon sa kompanya ng ex-husband mo. Gusto ko mang tutulan ang three months na training ng anak ko ay wala akong magawa."

You Got MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon