Jade's POV
Walang alam ang pamilya ko tungkol sa kung anong magiging trabaho ko sa mga Monticello. Hindi ko ipinaalam sa kanila na magiging yaya ako ng eldest daughter ni Mr. Monticello at kasamang titira sa condo nito. Well, wala namang masamang malaman nila kasi babae rin naman yong pagsisilbihan ko. Ang problema nga lang ay baka hindi nila ako payagan. Mataas ang pangarap nila para sa akin at ang malamang yaya lang ang kababagsakan kong trabaho ay baka hindi nila matanggap.
Mabilis lang ang tatlong buwan. Kaya pumayag na lang ako sa naging kasunduan namin ng ama ng taong pagsisilbihan ko.
***Flashback***
Kabadong-kabado ako bago ko pa man makaharap ang CEO ng Monticello Group na si Mr. Albert Monticello.
Isa ako sa nabiyayaan ng scholarship ng kanilang foundation dahil sa pagiging top ko sa klase noong pagka-graduate ko ng highschool. Excited na kinakabahan ako sa maaaring ipagkaloob na trabaho sa akin ng nasabing CEO. First time ko rin kasi siyang makakaharap ng personal today. Balita ko naman ay napakabait nito kaya wala siguro akong dapat na ipag-alala.
Lima kaming scholar ng Monticello Foundation sa magkakaibang kurso ang magkakasabay na naka-appoiment na ma-meet ang CEO. May mga nauna nang tinawag at ako ang napapanghuli sa lima. Tatlo kaming babae at dalawa naman ang lalaki.
"Okay, next! You may go now to his room." Nakangiting sabi sa akin ng magandang sekretarya.
"Thank you po Ma'am." Isinukbit ko na ang bag ko at naglakad na patungo sa opisina ng CEO.
Kumatok ako ng tatlong beses saka ko binuksan ang pinto. "Yes come in.. Don't be shy." Masiglang bungad nito sa akin. Infairness ang gwapo nito kahit medyo may edad na. Mukha nga itong mabait at tila napaka-cool pa niyang boss.
"Goodmorning Sir!" Agad na bati ko rito.
"Goodmorning to you my dear. Have sit please."
"Thank you po sir." Naupo na ako sa upuan across from him in front of his table.
"You're welcome Ms. Navarro." Anito habang binubuklat ang file na may nakasulat na pangalan ko sa ibabaw ng folder. "Hmm.. You impressed me big time Ms. Navarro. Graduated as cumlaude and napakarami mo ring awards sa mga cooking showdown sa school. Pwede-pwede kang maging chef sa isa sa mga restaurants ko."
"Talaga po sir? Naku! Maraming salamat po. Actually pangarap ko po talaga yon." Na-excite ko namang tugon rito.
Napansin ko na pinagmasdan niya ang isang kuha ng whole body picture ko na nakalagay sa files ko. Medyo nag-init tuloy ang pisnge ko at nakaramdam ako ng hiya.
Nag-angat ito ng tingin sa akin at tila napangiti na waring biglang may naisip na idea. "What if I offer you a job in abroad? Tatanggapin mo ba?"
"S-siyempre naman po Sir. Pangarap ko rin po yon. Ang maging isang chef sa isang international Cruise Ship." Walang paligoy-ligoy kong sagot na mas lalo nitong ikinangiti. Sa pagkakaalam ko ay isa ito sa nagmamay-ari ng MGC International Cruise Ship. Sana doon niya ako i-assign. Kahit magsimula pa ako sa pagiging helper or assistant cook ay napalaking bagay na iyon para sa akin.
"Sige magiging chef ka sa cruise ship na hindi daraan sa pagiging helper. Yon ay kung papayag ka sa magiging kondisyon ko."
Napalunok ako at hindi alam ang gagawin. Bata pa ako at wala pang alam sa mga makamundong bagay. Sana lang ay hindi iyon ang maging kondisyon niya. Dahil hinding-hindi ako papayag kapag nagkataon. "A-anything po Sir huwag lang po yong dangal ko."
BINABASA MO ANG
You Got Me
FanfictionSabi nila ang One Great Love raw ay mahirap kalimutan. Lalo na kung malalim ang iniwang sugat sayo. Ngunit paano kapag natagpuan mo ang One True Love mo? Iiwas ka ba sa takot na masaktang muli? More JaThea's love story po ulit. 😉