Althea's POV
Sinimulan ko nang pag-aralan ang lahat ng pasikot-sikot sa buong kompanya ng Daddy ko. Napakalawak ng sakop nito. Kaya sobra ko tuloy siyang hinahangaan hindi lang dito sa Pilipinas kundi pati na rin sa labas ng bansa bilang isang magaling na negosyante.
BS-Tourism with MBA degree ang tinapos ko. Kaya medyo may idea na ako kung paano ko gagawin ang trabaho ko. Iginala ko ang aking paningin sa loob ng bago kong opisina. Doble ang laki nito sa opisina ng Agency ko. Dinampot ko ang Name Plate na nakapatong sa table. "Althea Monticello.. Executive Director." Basa ko rito.
Ang totoo ay hindi pa talaga ako pinagsisimula ni Dad na magtrabaho sa Monticello Group. Dahil kailangan ko munang magfocus sa asawa ko na anumang oras ay pwede nang manganak.
Pinag-aaralan ko lang ng pakonti-konti ang magiging trabaho ko upang hindi ako masyadong mangapa kapag regular na pumapasok na ako sa Monticello Group.
"Ma'am Althea, ito na po ang mga papers na kailangan nyo pong pag-aralan." Bukas ang pintuan ng opisina kaya diretso lang siya sa pagpasok. Ang nagpakilala kaninang si Faye Santos na isa sa mga Admin Staff. "Ang iba po ay naisend ko na po sa email nyo."
"Thank you Ms. Faye. Kailangan ko na rin kasing umuwi agad. Pakasabi kay Dad hindi ko na siya mahihintay. Mukhang mamaya pa matatapos ang meeting nila eh."
"Wala pong problema Ma'am. Makakarating po ang bilin nyo kay Boss Albert." Ang cute nitong ngumiti. May mga maliliit kasing dimples malapit sa ibabang gilid ng mga labi nito.
"Salamat ulit, alis na ako." Pahakbang na sana akong palabas nang bigla siyang humarang sa daraanan ko.
"Ang ganda nyo po Ma'am. Kahit sinong babae ay pwede pong mainlove sa inyo." Naiiling na napatawa ako sa sinabi niya. Halata kasing nagpapacute siya sa akin.
"Well thank you Ms. Faye. So pwede na ba akong umalis? Naghihintay na sa akin ang pinakamamahal kong asawa."
Waring napahiya ito na nagbaba ng kanyang tingin at tumabi na rin siya sa daraanan ko. "Pasensya na po Ma'am."
"Okay lang Ms. Faye. So alis na ako. Salamat ulit!" Sabay tapik ko sa balikat niya at nagmartsa na akong palabas ng opisina.
+++++++
"Oh! Ang aga mo naman umuwi love." Dumukwang ako sa kanya upang ikiss siya sa lips. Busy silang dalawa ni Erika sa pag-gawa ng cookies.
"Ako rin mommy kiss mo ko." Anitong ngumuso sa akin. Natawa lang ako rito at ginulo ng bahagya ang buhok nito. May dumi pa ito sa magkabilang sulok ng mga labi. Panay kasi ang kutib nito ng chocolate na siyang pang halo sa cookies na ginagawa nila ng Mama niya.
"May kinuha lang akong mga papers. Hindi kasi ako pwedeng mawala sa tabi mo baby love. Anytime kasi baka lumabas na si Baby Junior natin."
Napangiti siya at muling bumaling sa akin. "Hayaan mo love may nakuha na si Manang Cynthia na yaya. So may titingin na sa akin dito."
"Dito rin po ako Mama. Bantay kaya kita." Ang kulit rin ng isang ito. Sabay pa kaming natawa ng asawa ko.
"Oo naman baby girl. Pero bata ka pa eh. Baka hindi mo ako madala sa hospital kapag gusto nang lumabas ni Baby Junior." Sabi rito ni Jade.
"Mas mabuti na rin na naririto ako kahit may yaya ka na. May laptop naman ako kaya makakapagtrabaho pa rin ako kahit naririto ako sa condo natin."
Biglang tumunog ang oven. May nauna na palang nakasalang sa loob. "Baby love ako na ang kukuha."
"Okay love, ikaw ang bahala."
"Wow! Amoy pa lang sarap na." Bulalas ng batang makulit nang mabuksan ko ang oven.
BINABASA MO ANG
You Got Me
FanfictionSabi nila ang One Great Love raw ay mahirap kalimutan. Lalo na kung malalim ang iniwang sugat sayo. Ngunit paano kapag natagpuan mo ang One True Love mo? Iiwas ka ba sa takot na masaktang muli? More JaThea's love story po ulit. 😉