Althea's POV
Masakit ang ulo ko pagkagising ko kinaumagahan. Babangon na sana ako nang biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ko at iluwa ang babaeng dahilan ng pag-lalasing ko kagabi. Napasandal ako sa headboard ng kama. Habang nakahabol ang tingin ko sa kanya.
"Goodmorning love.. Buti naman at gising ka na. Ipinag-gawa kita ng soup. Alam kong magkakahang-over ka. Lasing na lasing ka kasi kagabi." Dire-diretso niyang sabi. Ipinatong niya ang hawak na tray sa bedside table at naupo sa tabi ko. "C'mon you have to eat this." Tulalang nakatingin lang kasi ako sa kanya. Akala ko kasi panaginip lang iyon na kayakap ko siya kagabi.
"Nandito ka na ba talaga? Hindi ba ako nananaginip lang?" Ngumiti siya sa akin at hinawakan ang isa kong kamay.
"Hindi ka nananaginip lang love. Nandito talaga ako."
Bigla kong binawi ang kamay ko nang mapatingin ako sa kamay niya. Hindi pa rin kasi niya suot ang sing-sing na binigay ko sa kanya. Waring nakuha naman niya kung bakit ganon na lang ang naging reaction ko. Kaya't hinila niya ang suot na kwintas na nakailalam sa suot niyang blouse. "I'm sorry love kung inalis ko muna ito sa daliri ko. Gusto ko kasi habang malayo ako sa piling mo ay mailagay ko ito malapit sa puso ko. Para hindi kita gaano ma-miss."
Pinakiramdaman ko muna siyang mabuti kung talagang nagsasabi siya ng totoo. Waring sincere naman siya sa kanyang sinabi kaya unti-unti ay napangiti na ako. Then ako naman ang humawak sa kamay niya at dinampian ng mabining halik ang likod ng palad niya. "Akala ko nagbago na ang isip mo na magpakasal sa kin."
Huminga siya ng malalim at tahimik na binawi ang kamay niya sa akin. "Marami pa tayong kailangan pag-usapan kaya humigop ka muna ng soup para mabawasan yang sakit ng ulo mo." Seryoso niyang sabi kaya tumango na lang ako sa kanya. "Open your mouth." Utos niya sa kin habang hinihipan ang soup sa spoon. Lihim na napangiti ako sa ka-sweetan niya.
Hmm.. Infairness sa soup na ginawa niya. Napakasarap!
Tahimik lang kaming dalawa habang patuloy lang siya sa pagsubo sa akin. Hindi ko naman maiwasan na mapatitig sa mukha kanya. Bukod sa namiss ko siya ng sobra ay sobra ring nakaka-hook ang kagandahan niya.
"Okay it's done. Drink this water." Aniyang ibinalik na sa tray ang hawak na bowl at kinuha naman niya ang isang baso ng tubig.
"Baby I want more soup. Please, okay lang ba?" Pacute ko sa kanya. Ang sarap naman kasi talaga.
Napatitig muna siya sa akin at muling napabuntong-hininga habang naiiling. Kinilig ako nang bigla siyang mapa-smile. "Fine! Diyan ka muna."
Pagkalabas niya ng kwarto ay napa-smile din ako. Shit! Para akong teenager na kinikilig. Pagkatapos ng mga pasakit na dinanas ko sa kanya ay siya rin lang naman pala ang makakagamot.
Ipinikit ko munang sandali ang mga mata ko habang hinihintay siyang bumalik. Umayos ako ng pakakaupo at pagkakasandal sa head board ng kama.
Konting minutes lang ang pinaghintay ko dahil dumating na rin agad siya bitbit ulit ang maliit na tray. "Love parang baligtad yata." Aniya nang maipatong iyon sa bedside table.
"Huh, b-bakit?" Naguguluhan kong tanong sa kanya.
Matamis na napangiti naman siya sa akin na mas lalo kong ipinagtaka. Kaya't kinikilig na ginantihan ko rin siya ng matamis na ngiti. "Baby mo kasi ako pero ikaw itong nagpapababy sa kin."
Nagkaroon ng tunog ang aking pagngiti. Tawang-tawa kasi ako sa sinabi niya. "Minsan lang naman akong magpa-baby sayo. Pero siyempre baby pa rin kita."
"Sus! Ewan ko sayo." Sabay irap niya sa akin. "Oh, heto na ang soup mo baby damulag."
Napuno ng tawanan ang buong sulok ng kwarto. Sobrang sarap sa pakiramdam na inaalagaan ka ng taong pinakamamahal mo. Priceless ika nga.
BINABASA MO ANG
You Got Me
FanfictionSabi nila ang One Great Love raw ay mahirap kalimutan. Lalo na kung malalim ang iniwang sugat sayo. Ngunit paano kapag natagpuan mo ang One True Love mo? Iiwas ka ba sa takot na masaktang muli? More JaThea's love story po ulit. 😉