Chapter 8

7.4K 264 31
                                    

Althea's POV

Sa pagdilat ng aking mga mata kinaumagahan ay ang magandang mukha ng PA ko ang bumungad sa akin. Muli kong inalala ang mga naganap sa amin kagabi.

Natatawa ako sa sarili ko dahil hindi ko akalain na magagawa ko siyang akitin sa pamamagitan ng pagpapakita ng katawan ko sa kanya. Sinadya kong maghubad kagabi nang makaalis sina Batchi at Wila upang subukan si Jade kung maaapektuhan ba siya sa gagawin ko. Ngunit hindi nga ako nagkamali. Kusa niyang ipinagkaloob ang sarili niya sa akin.

Napakislot siya na waring biglang nagising kaya't muli kong ipinikit ang aking mga mata at nagkunwaring natutulog pa.

Hindi ko man siya nakikita ay ramdam kong nakatitig siya sa mukha ko. Makailang sandali pa ay dahan-dahan na niyang tinatanggal ang braso ko na nakapulupot sa bewang niya. Ngunit dala ng aking kapilyahan ay mas lalo kong iniyakap ang braso ko at idinikit ang katawan ko sa kanya. "Ihmm!" Mahinang daing niya na parang sumikip bigla ang kanyang paghinga. Waring gusto ko na namang mangiti dahil alam kong na-turn on siya.

Naramdaman ko ang pag-galaw ng balakang niya hudyat na gusto niya ang ginagawa ko. Pumaibabaw ako para mas maidiin ko pa ang sarili ko sa kanya. Pareho na kaming naghahabol ng paghinga at napapaungol habang halinhinan kami sa pag-galaw ng aming mga balakang.

"My favourite workout with you baby." Nangingiti kong bulong sa tenga niya. Hindi alintana ang lamig na nagmumula sa aircon. Dahil pawis na pawis na kaming dalawa sa aming ginagawa.

Itinunghay ko ang mukha ko sa kanya upang makita ang tunay niyang reaksyon. Ngunit nakapikit ang kanyang mga mata habang kagat-kagat ang lower lip niya. "Open your eyes and look at me baby." Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata at bahagyang ngumiti sa akin. "You're so beautiful!" Biglang naibulalas ko. Naririnig kaya niya ang makalas na pintig ng puso ko?

Nagpaubaya lang siya nang halikan ko ang kanyang mga labi. Unti-unti ay tumutugon na rin siya sa mga halik ko. Hindi siya ganon ka-expert humalik pero napakabilis niyang matuto.

Tanging mahihinang mga ungol at langit-ngit lang ng kama ang siyang maririnig sa buong sulok ng kwarto ko.

+++++++

Magkaharap kaming nag-aalmusal ngunit walang sinuman sa amin ang nagsasalita. Pagkaubos niya ng kanyang pagkain sa plato ay muli ko itong nilagyan. Napaangat ang tingin niya sa akin. "Busog na ako Ma'am."

"Tinatawag mo na naman akong Ma'am?" Taas ang isang kilay na tanong ko sa kanya.

"S-sorry.. Althea."

Ibinaba ko ang hawak kong mga kubyertos at tumingin ng tuwid sa kanyang mga mata. "This is weird! Why I feel so awkward in front of you now?"

Hindi niya kayang salubungin ang aking mga tingin kaya nanatili lang siyang nakatungo. "Tell me Jade, bakit ka pumayag na ibigay sa akin ang sarili mo?"

Her tears fell down on her cheeks. Bigla tuloy akong naalarma. "Hey! Are you alright?" Lumapit ako sa kanya at naupo sa tabi niya. I took a deep breath and compose myself before to speak. "Listen to me Jade. I know na nadala ka lang sa pang-aakit ko sayo and I feel sorry for that Jade. I'm so sorry hindi ko na hahayaang maulit pa yon." Ito ang labis na ikinatatakot ko kaya gusto ko siyang umalis na sa poder ko. Dumaan ang mahabang katahimikan. "Boyfriend mo yong nagtatrabaho sa restaurant ni Dad di ba?" Tumingin muna siya sa akin saka tumango. "I see.. Mukha naman siyang mabait. Bagay na bagay kayo."




Jade's POV

Naguguluhan ako sa nararamdaman ko kaya bigla na lang akong napaluha. Gustong-gusto kong sabihin sa kanya na hindi ako nadadala lang sa pang-aakit niya dahil mismong ang sarili ko ang may gustong ibigay iyon sa kanya. Ngunit wala akong lakas ng loob na magsalita. Nanatili lang akong tahimik.

You Got MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon