Althea's POV
"Althea umalis ka sa harapan ko!! Ang panget-panget mo!"
Gosh! Ibang klase siyang magbuntis. Palagi siyang inis na inis sa akin. "Baby naman eh! Hindi na nga tayo natutulog na magkatabi. Miss na miss na kita." Doon ako pansamantalang natutulog sa guest room. Matapos niya akong palayasin palagi sa kwarto namin.
"Naiirita ako sa pagmumukha mo love. Sandali nasusuka na naman ako." Aniya sabay takbo patungo sa banyo at doon nagduduwal.
"Baby okay ka lang ba?" Nag-aalala kong tanong sa kanya.
"Huwarkkkk!! Love please parang awa mo na. Lumabas ka muna."
Grabe! Napakaseloso/selosa ng magiging baby namin. Ngayon pa lang ay parang ipinagdadamot na sa akin ang nanay niya. "Okay baby.. Papupuntahin ko na lang si Mama dito."
Pagkarating ni Mama Judith ay lumabas na muna ako at nagtungo sa isang coffee shop. Tinawagan ko si Batchi upang kahit papaano ay may maka-kwentuhan ako.
"Tsong! Ano kamusta? Excited na ako sa magiging inaanak ko." Matipid na napangiti lang ako sa kanya. "Oh, bakit parang hindi ka masaya?"
"Masaya ako Tsong! Naiinis lang ako kasi parang aayaw sa akin ng anak ko."
"Ano?" Takang tanong nito habang natatawa. "Nasa sinapupunan pa siya ng asawa mo. Panong naging aayaw sayo?"
Napabuntong hininga ako at humigop sandali ng kape. "Halos ayaw akong makita ni Jade. Nasusuka siya sa pagmumukha ko. Normal ba talaga yon sa mga nagbubuntis?"
Napabungisngis ng tawa ang kaibigan ko. "Oh my god! Eh di palagi kang outside the kulambo niyan?"
"Wala naman akong magagawa eh. Kailangan kong sundin kasi buntis."
"Konting tiis lang Tsong." Sabay tapik nito sa balikat ko.
"Alam mo ba kung ano pang nakakainis?" Tumingin siya sa akin at naghihintay ng susunod kong sasabihin. "Lumalabas siya minsan ng kwarto na naka-underwear at bra lang na para bang wala lang sa kanya na nakikita ko siya."
Napabulalas ng tawa ito dahil sa tinuran ko. "Tapos, anong ginagawa mo kapag ganon?"
"Siyempre hanggang tingin lang ako sa kanya. Sa tuwing lumalapit kasi ako bigla na lang nagiging armalite yong bibig niya." Sa pagkakataong yon ay pareho na kaming napatawa ng kaibigan ko. "Maloloka na talaga ako sa kanya Tsong. Nakakatakot kapag nagsisimula na siyang rumatrat ng kung ano-ano."
"Anong mga sinasabi niya kapag nagagalit sayo?"
"Huwag ko raw siyang tingnan. Mukha raw akong unggoy. Basta mga ganon."
😂😂😂 Ang lakas ng tawa ni Batchi. "Hindi kaya pinagti-tripan ka lang ni Jade?"
Naiiling na napatawa na lang rin ako. "Tinatawanan ko na nga lang siya minsan kahit ang totoo tsong miss na miss ko na siya. Hindi ko na siya mayakap at mahalikan eh."
"Ayos lang yan tsong. Bigyan kita ng chicks gusto mo?" Isang matalim na tingin ang ipinukol ko sa kanya. Kaya tawang-tawa na naman siya. "Joke lang tsong! Eto naman masyadong seryoso. Takot ko na lang na maarmalite ng asawa mo."
"Siraulo ka rin eh! Wala na akong interest pa sa iba. Kaya tigilan mo ako sa mga kalokohan mo."
Maya-maya ay may dumaang sexy na babae sa gilid namin ni Batchi. Pareho pa kaming napatanga dahil sobrang ganda nito. Nagulat ako nang bigla itong kumindat sa kin.
"Nakita mo yon tsong? Hanep! Kumindat sayo."
"Teka bakit nga ba? Ikaw itong mukhang lalaki sa ating dalawa." Nagtataka kong turan sa kanya.
BINABASA MO ANG
You Got Me
FanfictionSabi nila ang One Great Love raw ay mahirap kalimutan. Lalo na kung malalim ang iniwang sugat sayo. Ngunit paano kapag natagpuan mo ang One True Love mo? Iiwas ka ba sa takot na masaktang muli? More JaThea's love story po ulit. 😉