Althea's POV
I'm so stupid for hurting her once again. I was just mad to myself with the thoughts of being inlove with her. Kaya napakabilis ring mag-init ng ulo ko. Pero kapag nakikita ko na siyang umiiyak ay kusa ring lumalambot ang puso ko.
Kung may maganda mang nangyari ay iyon ay ang umamin na siya ng totoong nararamdaman niya para sa akin. Mahal niya ako.. mahal rin pala ako ni Jade.
"Althea kailangan ko nang magprepare ng dinner natin." Mahina niyang tapik sa balikat ko. Magkayakap kasi kaming nakahiga sa couch.
Umalis ako sa pagkakayakap sa kanya at nauna akong bumangon. Then inalalalayan ko siya sa kanyang pagbangon. "Iinit na lang natin yong ibang food na tira natin kanina." Sabi ko na lang sa kanya. Nakangiting tumango lang siya sa akin.
Magkahawak kamay naming tinungo ang kitchen. "Maupo ka na lang diyan kamahalan. Panoorin mo na lang ako." Aniyang binitiwan na ang kamay ko.
"Ayoko nga! Tutulungan kita siyempre." Sumunod ako sa likuran niya.
"Okay, ikaw ang bahala." Aniyang binuksan ang ref para ilabas ang mga natirang mga pagkain. "Teka ano bang gusto mong kainin dito?"
"Ikaw!" Mabilis kong sagot. Pilyang napangiti ako nang matigilan siya at biglang napalingon sa akin. "I mean ikaw.. ikaw ang bahalang pumili." Natatawa kong sabi sa kanya.
Naiiling na ibinalik na lang niya ang tingin sa loob ng ref. Nahuli ko pa na pasimple siyang napangiti sa kapilyahan ko. "Kare-kare gusto mo?"
"Hmm.. yes baby please! Pati yong vegetable green salad."
"How about this beef caldereta?"
"Mahirap mag-burn ng fats. Pero sige basta ba palagi kang game na magwork out with me." Makahulugan kong tugon na kanyang ikinatawa ng malakas.
"I'm afraid! Dito na nga lang tayo sa embutido at garlic shrimp." Aniyang natatawa pa rin.
Tinulungan ko siyang ilabas ang mga pagkaing iiinit namin. Isa-isa naming isinalang iyon sa oven.
Habang naghihintay sa iniinit ay sadya kong idinikit ang braso ko sa kanya na hindi tumitingin sa kanya. Napalingon siya sa akin at pagkatapos ay nangingiting ibinalik ang tingin sa oven. Gusto kong matawa dahil sa simpleng pagpapansin ko sa kanya ay tila kinilig siya.
"Ayusin ko na Jade ang mesa. Maiwan muna kita diyan."
"No! Ako na lang pagkatapos ko dito." Pigil niya sa braso ko. Ngunit nang taasan ko siya ng isang kilay ay binitiwan niya na ako at malungkot na napatungo. "O-okay, ikaw ang bahala."
Upang hindi siya magtampo ay hinawakan ko ang baba niya at ipinaling ko ang mukha niya sa akin. Sandaling nagkakatitigan muna kami saka ko siya ginawaran ng isang banayad na halik sa labi. "Baka umiyak ka naman eh."
Sa halip ay muli niyang kinabig ang ulo ko at muli na namang naglapat ang mga labi namin. Marahas at mapagparusa ang kanyang mga halik na animoy gigil na gigil sa mga labi ko.
Ting!
Tumigil lang kami nang tumunog na ang oven. "Wait lang!" Aniyang binalikan na ang kanyang iniinit.
Ako naman ay nagsimula nang ayusin ang mesa. Kinikilig ako sa walang humpay naming landian. Kaya't bigla na lang akong napapangiti na parang ewan.
Makailang sandali ay nakatapos na ako. Kinukuha ko ang ibang mga nainit na niya at ipinaglalagay na sa mesa.
"Wow! Ano ito dinner date?" Natatawa niyang comment nang makalapit na siya sa mesa. Meron kasing candle at fresh flowers sa gitna. Tapos may red wine pa.
BINABASA MO ANG
You Got Me
FanfictionSabi nila ang One Great Love raw ay mahirap kalimutan. Lalo na kung malalim ang iniwang sugat sayo. Ngunit paano kapag natagpuan mo ang One True Love mo? Iiwas ka ba sa takot na masaktang muli? More JaThea's love story po ulit. 😉