Althea's POV
Halos 20 minutes pa lang kaming nakakarating ni Jade sa condo nang may biglang magdoorbell sa labas.
"Ako na ang magbubukas Ms. Beautiful!" Sabi ko nang tangkang tatayo na si Jade sa kinauupuan upang pagbuksan ang tao sa labas. Magkatabi kasi kaming nakaupo sa couch at masayang naglalampungan habang nagpapahinga.
Pagsilip ko sa peephole. "Jade ang Mommy ko." Tila nagulat siya at tuluyang napatayo na sa kanyang kinauupuan. "It's fine, baby! Mabait rin ang Mommy ko katulad ng Daddy ko." Nginitian ko muna siya saka ko binuksan ang pinto. "Hi mom!" Sabay yakap at halik ko sa pisnge ng nanay ko.
"Finally! Nandito ka na anak."
"Oh! Anong meron Mom at parang urgent na makausap mo ako? May problema ba?" Mataman akong pinagmasdan nito.
"Hindi mo ba ako papapasukin muna sa loob?"
"Okay Mom! Come inside." Umakbay ako sa kanya at pumasok na kaming dalawa sa loob.
"Magandang hapon po." Magalang na bati ni Jade sa nanay ko. Ngunit tiningnan lang siya nito na tila pinag-aaralang mabuti ang itsura niya.
"Mom, si Jade nga po pala."
"Oh! I see.." Medyo nailang si Jade nang pasadahan siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa.
"Mom!?" Pasimple kong saway rito.
"Uhm.. Althe--- s-sorry! Uhm.. Ma'am Althea, magluluto lang po ako ng hapunan natin."
"Ah no! Pagod ka sa byahe Jade. Magpapadeliver na lang ako ng food natin." Mabilis kong sagot sa kanya.
"H-hindi naman po ako ang nagdrive Ma'am. Kaya okay lang po sa akin na magluto."
"Sure ka? Kung nahihiya ka lang sa Mommy ko. Please don't be!"
"Anak balita ko ay magaling na chef cook itong PA mo." Singit ni Mommy na tila may diin ang pagkakasabi nito ng PA. "Hayaan mong matikman ko naman ang mga luto niya."
"Ehem!" Tikhim ko. "Mom next time ka na magrequest, okay? Pagod si Jade."
"Ma'am Althea okay lang sa akin. It's my pleasure to cook for your Mom." Nakangiting binalingan niya si Mommy. "Meron po ba kayong request na gustong putahe Ma'am?"
"Well, any dish na may mahihigop akong sabaw."
"How about tinola po or bulalo?" Masiglang tanong ni Jade sa nanay ko. Ang cute niya lang pagmasdan. Napaka-inosente kasi ng kanyang mukha.
"Bulalo would be fine hija." Tipid na nginitian siya ni Mommy.
"Great! Masarap magluto ng bulalo si Jade, Mom. Tiyak na magugustuhan mo." Pagmamayabang ko pa rito.
Nag-excuse na sa amin si Jade upang masimulan na niya ang pagluluto ng aming dinner. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makapasok siya sa loob ng kitchen. Hindi ko namalayan na nakamasid pala si Mommy sa akin. "Ehem!" Tikhim nito. "Baby Girl may gusto ka ba sa PA mo?"
Nagulat ako sa katanungan niya ngunit mabilis rin akong nakabawi. "Kung sakali pong may gusto nga ako kay Jade. May problema po ba don?"
Marahas na napabuntong hininga ito at matiim na tumingin ng diretso sa aking mga mata. "Anak baka masaktan ka na naman. Paalisin mo na siya rito habang maaga pa."
"Mom, relax! Handa ako sa maaaring kahinatnan nito. Kaya hayaan nyo lang na maging masaya ako kahit na sa konting panahon lang na makasama ko siya."
"Hindi mo ako naiintindihan anak."
Biglang sumagi sa isipan ko ang tungkol kay Aling Judith na Mama ni Jade. Hindi kaya may kinalaman iyon kaya ganito na lang ang pag-aalala ni Mommy sa akin? "Mom tell me.. May kailangan ba akong malaman mula sayo?" Nanlaki ang mga mata nito at biglang nag-iwas ng tingin sa akin. "Mom, I saw you last time. May kasama kang babae na mas bata sayo." Mas lalong namilog ang kanyang mga mata. Marahil ay hindi nito inaasahan na sasabihin ko iyon sa kanya. "Tell me the truth Mom. Are you----" Hindi ko alam kung paano ko itatanong iyon sa kanya. "W-what I mean is.. you like girls too?"
BINABASA MO ANG
You Got Me
FanfictionSabi nila ang One Great Love raw ay mahirap kalimutan. Lalo na kung malalim ang iniwang sugat sayo. Ngunit paano kapag natagpuan mo ang One True Love mo? Iiwas ka ba sa takot na masaktang muli? More JaThea's love story po ulit. 😉