Chapter 35

6K 234 13
                                    

Althea's POV

Pagkaalis ni Jade sa kanilang restaurant ay siya namang pagpunta ko upang kausapin ang parents niya. Hinintay ko lang talaga na makaalis siya saka ako pumasok sa loob.

"Nakikita ko kung gaano kasaya sayo ang anak ko Althea. Kaya sino ako para tutulan ang pagmamahalan nyong dalawa?" Sagot sa akin ni Tito Joni matapos kong sabihin sa kanilang mag-asawa ang pakay ko.

"Thank you po Tito.."

"Hija, salamat sa mga ginagawa mo para sa anak namin. Alam kong mahal na mahal mo siya." Naiiyak na sabi naman ni Tita Judith bagaman nakangiti.

Nakangiti ring tumango ako sa kanya. "Wala pong kapantay ang pagmamahal ko kay Jade. Kaya nga po naririto ako para hingin po ang blessings nyo. Heto nga po pala ang address ng private resort." Sabay abot ko sa kanila ng isang kapirasong papel. "Favorite po ni Jade ang pink. So naka-dress code po ng pink ang mga dadalo sa surprise party na inihanda ko po para sa anak nyo."

Nagkatinginan ang mag-asawa at napangiti sa isa't-isa. "Mahal may pink na akong damit. Ikaw mukhang wala pa." Natatawang sabi ng ginang sa asawa.

"Daan tayo ng mall mahal. Kailangan kong bumili niyan. Tapos ano.. ibili na rin natin si Bunso. Baka wala pa rin yong pink na damit eh."

"Ay! Oo tama ka diyan mahal."

Nagtagal lang akong sandali at nagpaalam na rin ako sa kanila. May mga kailangan pa rin kasi akong asikasuhin. Maya't-maya rin kasi ang pag-uupdate ni Aprilyn sa mga kailangan naming gawin para bukas.

Samantalang sina Mommy at Daddy ay tinawagan ko lang upang ipaalam rin sa kanila ang plano kong pagpo-propose kay Jade. Well sana makarating din sila sa kabila ng mga busy nilang schedule.

+++++++

Ang lapad ng mga ngiti ko pagkakita ko sa nobya ko. Ang ganda-ganda niya kasi. Wala siyang kaalam-alam sa magaganap mamaya sa party na dadaluhan namin. Medyo kinakibahan ako ng konti bagaman alam ko at nakakasiguro ako na magyeyes siya.

Dahil wala naman talaga siyang idea kung anong klaseng party iyon ay panay ang maktol niya sa akin. Halatang napipilitan lang siyang sumama. Mabuti na lang at magaling akong magpalusot.

Kitang-kita ko sa mga mata niya kung paano siya namangha sa itsura ng paligid nang dalhin ko na siya sa bungad ng venue. Kay sarap niyang pagmasdan. Para siyang bata na super cute ma-amaze.

Agad kong napansin si Aprilyn sa isang sulok na nagthumbs up pa sa akin. Nakangiting tinanguan ko ito. Tama nga si Trixie magaling talaga itong pinsan niya.

Nagpaalam muna akong sandali kay Jade upang kunwari ay mag-cr. Ang problema ay gusto niya akong samahan. Shet! Nauubusan ako ng idadahilan.

"Jade! Tsong!" Nakahinga ako ng maluwag nang dumating si Batchi. Hulog talaga ng langit itong bestfriend kong ito. Sa wakas ay masisimulan na namin ang nakahandang surpresa para sa kanya.

Saktong pagkaalis ko ay pinatugtog na nila ang song ni Jason Derulo na Marry Me.

May humila naman sa akin papunta sa likuran. May isang malaking tent doon kung saan nakalagay ang ibang mga props. "Ma'am heto na po ang costume na susuotin nyo po." Sabi ng babaeng humila sa akin.

"Eto kamo? Hindi ba yan mainit sa katawan?"

"Ma'am kailangan nyo pong suotin yan kahit medyo mainit sa katawan." Sabat ni Aprilyn na sumulpot galing kung saan kasama ang cute na future husband niya. "Tiyak na matutuwa po si Ms. Jade kapag nakakita siya ng hello kitty na alive at nagsasayaw sa harap niya." Napangiti ako nang sandaling maimagine ko mga sinabi niya.

You Got MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon