Chapter 28

5.7K 231 56
                                    

Althea's POV

Grabe talaga si Daddy. Pati interior design ng resthouse ko sa Batangas ay pinalitan niya. Well malaking tulong din naman para hindi ko palaging maalala si Jade. Marahil natatakot lang siya na gawin ko ulit ang mga nangyari noong iwan ako ni Anne.

One week na ang nakaraan magmula nang magkaharap at magkausap kami. Pagkalabas ko sa Hospital ay nagtagal muna ako ng dalawang araw sa condo ko at pagkatapos ay dito na ako dumiretso upang makalanghap man lang ng sariwang hangin.

Napapanahon na upang kalimutan si Jade. Mahal na mahal ko siya pero ayoko nang gambalain pa ang buhay niya. Masaya ako na mabuting lalaki ang nakilala niya. At least panatag ang loob ko na mapapabuti ang buhay niya kay Rafael.

Hapon na at medyo kulimlim na ang buong paligid. Nakaupo ako sa tabing dagat habang nakamasid sa papalubog na araw at nakikinig sa ingay ng umaagos na tubig sa dalampasigan. Nakalimang beer na ako kaya medyo nahihilo na rin ako. "Masaya sana kung naririto ka Jade. Miss na miss na kita.." Nahiga ako sa buhanginan at ipinikit ko rin ang aking mga mata.

"Kanina pa kitang hinahanap. Nandito ka lang pala." Saad ng isang familiar na boses.

Ano ba ito? Dinadaya lang ba ako ng pandinig ko? Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata.

"Jade?" Ang nangungulila kong puso ay napalitan ng kakaibang sigla. Excited na napatayo ako. Shit! Ang ganda niya. Hindi ako makapaniwala na nasa harapan ko siya. "Jade.." Agad na niyakap ko siya ng buong higpit.

Naramdaman kong gumanti rin siya ng yakap sa akin. "Althea.." Kumawala siya sa pagkakayakap ko at sinibasib niya ako ng marahas na halik sa labi. Kay tagal kong hinintay ang pagkakataong ito. Naiiyak ako sa labis na kaligayahan. Akala ko hindi ko na ulit matitikman ang kanyang mga halik.

"Ma'am.. Ma'am Althea.." Gising sa akin ng care taker na si Mang Cardo kasama ang asawang si Aling Pinyang. "Nananaginip po kayo Ma'am. Gabi na po kailangan nyo na pong pumasok sa loob ng rest house."

Dismayang naimulat ko ang aking mga mata. Paupong bumangon ako at napasapo sa aking ulo. Panaginip lang pala ang lahat. Marahas na napabuntong hininga ako. Damn! Namimiss ko ang mga halik at yakap niya.

"Alalayan na po namin kayo Ma'am."

"Hindi na po Mang Cardo. Kaya ko na po. Maraming salamat." Tumayo na ako at nagsimulang humakbang. Umeekis ang mga paa ko sa sobrang hilo dulot ng mga nainom ko kanina. Ang mag-asawa ay nakasunod lang sa likuran ko. Nakaabang sila kung sakaling matumba ako.

Hinintay muna nila akong makapasok sa loob ng kwarto ko bago sila umalis. Narinig ko pa ang paglock nila pintuan at gate. Napaiyak na naman ako nang sandaling mapag-isa na ako sa loob ng kwarto ko. Hindi ko alam kung magiging masaya pa ulit ako gayong ang source of hapiness ko ay tuluyan nang nawala sa akin. Kay bigat sa dibdib pero pilit kong nilalabanan.

"God sana magka-amnesia na lang ako para hindi ko na siya naiisip pa." Para akong bata na nakasalampak ng upo sa sahig habang ang ulo ko ay nakasandal sa gilid ng kama.

Maya-maya ay tumunog ang cellphone ko na nakapatong sa bedside table. Ngunit wala akong lakas para tumayo upang sagutin ang tawag. Hinayaan ko na lang iyon hanggang sa matapos ang pagtunog.

Makailang sandali ay tumunog na naman ito. "Ano ba! Ang ingay-ingay naman nito." Gumapang ako upang damputin iyon.

Dad calling...

"Yes Dad?"

"Hey! Stop drinking too much young lady." Nahalata niya siguro sa boses ko.

"I'm not young lady anymore Dad!" I giggled. "Anyway, what makes you call?"

"Well I just wanna tell you about your Tito Ramon's Birthday party, Rafael's father."

You Got MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon