Chapter 31

6.6K 259 26
                                    

Althea's POV


Magkatabi kaming nakaupo sa couch ni Jade kaharap ang pamilya niya.

"So anong plano nyong dalawa ngayon?" Basag ng Papa niya sa katahimikan.

"Uhm.. Tito, bago po ang lahat. Nais ko po munang magpasalamat sa inyo kasi tinanggap nyo na po kami ni Jade." Magalang na sagot ko rito. Nakangiting tumango naman ito sa akin.

"Nasaksihan ko kung paano nasaktan ang anak ko noong mawala ka. Kaya simula noon ay ipinangako ko na sa sarili ko na susuportahan ko na siya sa kahit ano o sinong makakapagpasaya sa kanya." Tumingin ito sa kanyang anak saka ulit nagsalita. "Nasasaktan rin kasi ako kapag nakikita siyang malungkot at umiiyak."

"Maraming salamat Pa.." Nilapitan ito ni Jade at kanyang niyakap. "I love you Papa."

"I love you too my princess." Sabay halik sa gilid ng ulo ng kanyang anak na dalaga.

"Patawarin nyo ako ni Althea nak sa nagawa ko sa inyo." Naiiyak na sabi naman ng Mama niya.

"Okay na Ma.. Pero sana huwag na lang mauulit. Kasi baka hindi ko na kayanin pa sa susunod."

Tumango ang Mama niya at tuluyan nang napaluha. "Sshh.. Tahan na Mama. Okay na nga di ba?" Hinalikan niya ito sa pisnge at naupo sa tabi nito. "Masayang-masaya na ako ngayon at sana kalimutan na lang natin lahat ng masasakit na nangyari noon."

"Tama po si Jade, Tita. Magsimula na lang po tayo ng panibago." Nakangiti ko ring sabat sa kanila. "Ang mas importante po sa akin ay tinanggap nyo na po kami ni Jade."

"Salamat sayo Althea kasi mahal na mahal mo ang anak namin. Alagaan nyo sana ang isa't-isa." Saad ulit ni Tita Judith na ngayon ay nakakangiti na.

"Makakaasa po kayo Tita. Mahal na mahal ko po talaga ang anak nyo." Nakangiting tumango naman silang mag-asawa sa akin.

"Wow! Ang sweet naman ng love ko." Lumapit ulit siya sa tabi ko at malambing na umakbay sa akin. Pagkatapos ay hinalikan ako ng mabilis sa lips. Gulat na gulat tuloy ako at pinamulahan ng mukha sa sobrang hiya. Halikan ba naman ako sa harap ng parents at kapatid niya. Nakakaloka siya!

"Baby pasaway ka talaga kahit kelan." Mahinang bulong ko sa tenga niya. "Paano na lang kung bigla nilang bawiin ang pagtanggap nila sa ating dalawa?"

Ngunit sa halip ay tinawanan pa niya ako. Sarap niya lang kagatin sa tenga. Hiyang-hiya na nga yong tao ay pagtatawanan pa niya. "Ang cute mong mag-blush love." Tukso pa niya sa akin at muli na namang napahagikhik ng tawa.

"Okay lang iha.. masanay ka na diyan sa girlfriend mo. Makulit talaga yan sa totoong buhay." Si Tito Joni na natatawa na rin sa kalokohan ng anak niya.

"Mahal tara sa kitchen tulungan mo na lang kami ni Manang Cynthia na ihain ang mga niluto mo para makapagdinner na tayo." Aya na ni Tita Judith sa asawa.

"Okay sige.. tara na mahal." Tugon naman ni Tito na magkaagapay na nagtungo na sa kitchen.

Kami na lang nina Jade at Kulit ang natira sa living room.

"Naalala ko lang pala kulit." Baling ni Jade sa kapatid na tila busy sa pagkuting-ting sa tablet niya.

"Ano yon Ate?" Tugon nito na hindi tumitingin sa ate niya.

"Pasensya na kung hindi kita pinansin noong gabing hinahabol mo ako."

"Ayos lang yon Ate. Hinabol lang naman kita kasi akala ko kailangan mo ng masasakyan para habulin itong girlfriend mo. Yon pala maaabutan mo pa siya." Sabay lingon nito sa akin at nginitian ako.

You Got MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon