Jade's POV
"Althea.." Magkahalong kaba at takot ang naramdaman ko nang mabanaag ko ang galit sa mukha niya. Damn it!
Naunang bumaba si Zandro sa kabayo at inalalayan niya ako sa pagbaba. Ngunit sa aking pagkataranta ay nagsala ang isang paa ko at napayakap ako sa kanya. "Aay!!" Napapikit kong irit. Pagdilat ko ng aking mga mata ay nakatitig siya sa mukha ko. Oh, spell AWKWARD. Bigla ko siyang naitulak palayo. "I'm sorry Zandro pero---" Paglingon ko sa gawi ng girlfriend ko ay wala na ito sa kaninang kinatatayuan. Shit! Nakita niya kami.
Napansin ko na may papaalis na sasakyan. "Oh, no! Hindi pwede ito. Zandro please habulin natin sila."
"B-bakit sino ba yon?" Nagtataka naman nitong tanong.
"Zandro please kailangan ko siyang maabutan!" Sigaw ko sa kanya. Hindi ko na kasi alam ang gagawin ko.
"Best anong nangyayari?" Si Sally, kararating lang nila ni Mike. Kung saan-saan pa kasi sila sumuot kaya nauna kami sa kanila.
"Best si Althea.. Nandito siya best!" Taranta kong sagot sa kanya na medyo naiiyak na.
"Kuya Zandro isakay mo ulit si Jade. Idaan natin siya sa shortcut para maabutan natin ang girlfriend niya!"
"Ano? Tama ba ang narinig ko? Girlfriend?" Naguguluhang tanong ni Zandro.
"Mamaya kana magtanog Kuya Zandro ano ba! Tara na!"
"O-okay!" Inalalayan niya na ulit akong makasakay sa kabayo niya. "Kapit ka lang mabuti Jade para hindi ka mahulog, okay?" Tumango lang ako sa kanya bilang tugon.
Mahal na mahal ko si Althea. Wala akong naiisip na ibang taong makakasama ko habang buhay kundi siya lang talaga. Lord pleasw huwag mo siyang hayaang makalayo.
"Dito tayo Mike! Hiyah!" Iniliko ni Zandro ang kabayo papakaliwa sa may kakahuyan. Nakasunod sa likuran namin ang dalawa.
Hindi alintana sa akin ang mabilis na pagpapatakbo sa kabayo. Kailangan ko kasing maabutan ang sasakyan ng taong pinakamamahal ko.
"Here we go! Kapit lang ng mabuti Jade." Sa muling pagliko niya ay namataan na namin ang gate palabas ng hacienda. Ilang minuto pa ay nakarating na rin kami kaagad. Sakto namang dumating na rin ang sasakyan nila. Ibinaba ako ni Zandro sa kabayo at tumakbo ako sa gitna ng daan upang harangan ang sasakyan.
Kitang-kita ko ang galit at sakit na gumuhit sa mga mata niya habang nakatingin sa akin. Para namang kinurot ang puso ko nang magsimulang tumulo ang mga luha niya. "Althea.." Umiiyak na rin ako.
Nagpitada siya ng tatlong beses para padaanin ko siya. Ngunit nagmatigas ako. Sa halip ay lumapit pa ako sa sasakyan niya at tinuktok ko ang bintana. "Love mag-usap muna tayo please." Umiiyak kong pakiusap sa kanya.
Binuksan niya lang ang bintana pero nanatiling diretso lang ang tingin sa unahan. Ang sakit na hindi man lang niya ako makuhang sulyapan. "Nag-effort ka pa talagang habulin at harangan ako dito." Puno ng pait at galit ang tinig niya. "Jade kung ayaw mo na sa akin sana sabihin mo na lang para hindi na ako umasa. Mas lalo mo lang akong sinasaktan sa ginagawa mo."
"Love I'm sorry.. Lumayo lang akong sandali pero hindi nagbago ang nararamdaman ko para sayo. Mahal kita at ikaw lang ang gusto ko."
"Hindi mo alam kung gaano ako nangulila sayo sa loob ng tatlong araw. Halos mabaliw ako sa pag-iisip kung paano ka hahanapin. Wala ka man lang paalam na umalis tapos makikita lang kita dito na nagsasaya kasama ng isang lalaki?"
"Love please huwag ka namang magselos kay Zandro. Ni katiting hindi man lang sumagi sa isip ko na pagtaksilan ka."
Saka lang niya ako nilingon. "Gusto mong paniwalaan kita? Kung ikaw nga hindi mo ako nagawang paniwalaan. Mas pinili mong lumayo kaysa alamin kung anong totoo."
BINABASA MO ANG
You Got Me
FanfictionSabi nila ang One Great Love raw ay mahirap kalimutan. Lalo na kung malalim ang iniwang sugat sayo. Ngunit paano kapag natagpuan mo ang One True Love mo? Iiwas ka ba sa takot na masaktang muli? More JaThea's love story po ulit. 😉