Althea's POV
Almost two weeks na ang nakalipas simula nang iluwal ni Jade si Baby Junior. And dahil daw malaki ang pagkakahawig sa akin ng baby ay Ali na lang daw ang kanilang gagawing nick name nito. Ngunit ipinag-pilitan ko na Carl na lang sana para fair sa aming dalawang mag-asawa. Hanggang sa naging Jac na lang ang kinalabasan dahil sa aming pagtatalo. Since Jed Ali Carl ang full name nito.
"Love malakas na ako. Kung nais mo nang magstart sa work mo sa Monticello Group ay maaari mo nang gawin. Besides nandito naman si Klea. Minsan naaasahan ko na rin itong panganay natin." Lambing niya sa akin kinaumagahan.
Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga. Bago ko ipinaling ang tingin ko sa kanya. "Sure ka ba? Kasi parang gusto ko pa rin kayong alagaan eh."
"Sus! Ang sabihin mo ayaw mo lang mawalay sa paningin mo itong mini me mo." Aniya na bahagyang natawa.
Sabay kaming napatingin sa baby namin na mahimbing pang natutulog sa crib niya. Ang panganay naming si Erika ay pinang-gigitnaan namin sa kama. Nakayakap ito sa akin at mahimbing pa ring natutulog. Kung minsan kasi ay nagigising rin ito sa iyak ni Baby Junior sa gabi.
"Baby love masaya ka ba sa pamilyang binuo natin?" Kunot ang noo na bumaling siya ng tingin sa akin.
"Anong klase namang tanong iyan love? Siyempre sobrang masaya ako. Mahal na mahal kaya kita. Kayo ng mga anak natin." Napangiti ako sa kanyang sinabi. Lakas pa rin kasi nitong makapagpakilig eh.
"Talaga, baby love?" Inilapit ko ng konti ang mukha ko sa kanya. "Namimiss ko na ang sexy time natin." Pilya ang ngiting bulong ko sa kanya.
"Love, sorry pero hindi pa pwede." Aniya sabay haplos sa mukha ko at pagkatapos ay pinisil niya ng bahagya ang pisnge ko. "Ang cute mo love."
"Ouch! Mas cute ka kaya. No mali! Pretty pala.. sobrang pretty lalo na kapag bagong gising." Sabay kaming napahagikhik ng tawa.
"Mommy huwag ka likot. Tutulog pa ako eh.." Reklamo ng paslit sa gitna namin. "Ingay-ingay nyo ni Mama."
"Ayan! Ikaw kasi eh.." Aniya sabay pindot niya sa ilong ko. Himala na hindi niya na ako hinahampas ngayon.
+++++++
Nang magising na si baby junior ay dinala ko na siya sa labas upang paarawan. As usual kabuntot ko na naman si Erika. Ayaw rin nitong nawawalay sa paningin niya ang kapatid niya eh. Gustong-gusto niyang alagaan hindi pa naman pwede.
"Good morning little pogi.." Bati ni Mama sa anak ko. Palabas na kasi sila para magpunta sa restaurant business nila kasama si Papa. "Aalis muna mamsy at papsy.. Pakabait ka kina Mama at Mommy mo." Anito sabay halik sa pisnge ng sanggol. Then bumaling naman ito kay Erika na nakatingin sa kanya. "Hi goodmorning din siyempre kay baby girl. Pakiss nga ako."
Tuwang-tuwa na lumapit ito kay Mama. "Good morning din po Mamsy." Nagkiss din ito sa pisnge ni Mama. Nakangiting pinapanood ko lang sila.
"Hoy! Teka dapat si Papsy rin may kiss kay baby girl." Tumingkayad si Papa para maabot ng bata. Kiniss rin siya nito sa pisnge. "Wow! Sarap naman. Pihadong suswertihin si Papsy sa restaurant sa araw na ito. Dahil sa dalawang cute na angel na naninirahan dito." Kay baby junior naman siya bumaling. "Di ba poging liit? Sarap-sarap pang-gigilan. Ang bilis lumaki."
"Love... breakfast na tayo!" Bigla namang tawag sa akin ng asawa ko.
"Sige baby love.. maya-maya ng konti!" Tugon ko naman sa kanya.
Nagpaalam na ang mag-asawa. Isinasama pa ng mga ito si Erika. Ngunit ayaw ng bata. Kahit marami raw food doon ay hindi pwede kasi aalaga daw siya sa kapatid niya. Napatawa na lang sa kanya ang mag-asawa.
BINABASA MO ANG
You Got Me
FanficSabi nila ang One Great Love raw ay mahirap kalimutan. Lalo na kung malalim ang iniwang sugat sayo. Ngunit paano kapag natagpuan mo ang One True Love mo? Iiwas ka ba sa takot na masaktang muli? More JaThea's love story po ulit. 😉