Jade's POV
Sinugod ako ng mahigpit na yakap ni Rafael nang mabungaran ko siyang nakaupo sa isang bench. Tila sumigla ang malungkot niyang mukha pagkakita sa akin. "Thanks god you came Hon!"
Hindi ako nagprotesta sa kanyang itinawag sa akin. Ayokong mas madagdagan pa ang sakit na nadarama niya dahil sa pag-iwan ko sa kanya.
"Wala na ba talaga akong pag-asa na mabawi ka pa kay Althea?"
Umalis ako sa kanyang pagkakayakap upang magkaharap kami. "Raf, naniniwala ako na makakahanap ka pa ng babaeng karapat-dapat sa pagmamahal mo."
"Pero Jade nag-iisa ka lang. Mahirap makahanap ng isang tulad mo." Iyak-tawa niyang sabi sa akin.
"I'm so sorry.. Alam mo kung gaano ako nangulila kay Althea. Buong akala ko makakalimutan ko na siya dahil sayo. Pero nagkamali ako. Mahal na mahal ko pa rin siya."
Napatawa ulit siya pero patuloy pa rin ang mga mata sa pagluha. "Grabe lang noh?" Aniyang biglang nag-iwas ng tingin sa akin. Damang-dama ko na sobrang nasasaktan pa rin siya. "Isa lang siyang hamak na babaeng katulad mo pero hindi ko siya mapantayan. Ano bang meron siya Jade?" Sabay sulyap niyang muli sa akin. "Ano bang meron siya? Bakit mahal na mahal mo siya?"
Malungkot na nagbaba ako ng tingin. "Raf, hindi ko naman ginustong mahalin siya eh." Naupo ako sa bench na kinauupuan niya kanina at isinubsob ko ang mukha ko sa palad ko. Naramdaman kong naupo rin siya sa tabi ko. Kaya't muli akong tumunghay sa kanya. "Raf hindi ko rin alam kung bakit mahal na mahal ko si Althea. Sinubukan ko namang ibuhos lahat sayo ang pagmamahal ko pero pakiramdam ko kulang pa rin." Tumigil akong sandali. "Mas masaya ako sa kanya."
Tumango-tango siya at nagpahid na ng kanyang mga luha . "Okay! Mukhang hanggang dito na lang talaga tayo." Sumulyap siyang muli sa akin at mapait na ngumiti. "Pakakasalan ka ba niya?"
"Oo sabi niya.."
"So naghihintay ka na lang na magpropose siya sayo?"
Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga at nakangiting tumango ako sa kanya. "Alam mo kahit babae si Althea andami-daming nagkakagustong kapwa babae don. Nakakairita nga minsan eh.."
Napatawa siya sa sinabi ko. "Ang selosa mo naman. Bakit sa kin hindi ka naging ganyan? I mean never kitang nakita na nagselos sa kahit na kaninong nakakasalamuha ko noong tayo pa. Naalala mo ba si Kristel?"
Ako naman ang napatawa. "Oo yong super model na parang ting-ting sa sobrang kapayatan?"
"Ito naman! Sakto lang naman ang katawan non."
"Asus! Type mo yon? Harap-harapan kung magpa-cute sayo kahit kasama mo ako."
Napakamot siya sa ulo niya. "Hindi ko type yon. Nakakainis ka nga eh.. Kasi tinatawanan mo lang yong tao. Sa halip na pagselosan mo."
Napatawa ulit ako. "Pano ako magseselos kung buong atensyon mo palaging nasa akin lang?"
"Ang sabihin mo.. hindi mo lang talaga ako ganon kamahal. Kaya okay lang sayo kahit mawala ako at makuha ng iba." Napatigil ako sa pagtawa at pareho kaming biglang natahimik. "Totoo naman di ba? Samantalang kay Althea ang bilis-bilis mong magselos."
Nakaramdam ako ng konting konsensya. Medyo may katotohanan kasi ang kanyang mga sinabi.
Bagkus ay dumaan ang mahabang katahimikan.
"Sorry nga pala kung nagback-out si Jackie sa partnership nyo sana sa negosyo." Muli akong napasulyap sa kanya at makahulugang napatitig sa kanyang mga mata. "Oh! C'mon Jade.. alam ko yang iniisip mo." Aniyang bigla na lang napatawa. "No! You know, we're good friends."
BINABASA MO ANG
You Got Me
FanfictionSabi nila ang One Great Love raw ay mahirap kalimutan. Lalo na kung malalim ang iniwang sugat sayo. Ngunit paano kapag natagpuan mo ang One True Love mo? Iiwas ka ba sa takot na masaktang muli? More JaThea's love story po ulit. 😉