Althea's POV
Naiinis ako sa sarili ko. Kaya nagawa kong itaboy si Jade nang gabing iyon. Pinag-isipan kong mabuti kung pakakawalan ko na ba talaga siya ng tuluyan upang hindi na siya mahirapan pa.
Ngunit dahil sa nakita kong lungkot na lumatay sa mga mata niya ay parang pinukol ng isang matigas na bagay ang puso ko. Hindi ko dapat ginawa yon sa kanya. Di bale bukas ko na lang siya kakausapin ng masinsinan.
Pagkapalit ko ng pantulog ay nahiga na ako sa kama. Subalit lumipas ang ilang oras ay hindi pa rin ako dalawin ng antok. Kahit anong gawin kong position ay dilat na dilat pa rin ang aking mga mata.
Pagtingin ko sa orasan ay alas dos na ng madaling araw. Kaya't mabilis na napabangon ako. Letche! Hindi talaga ako makatulog. Bumaba ako ng kama at nagtungo ako sa kabilang kwarto. Swerte ko na hindi niya inilock ang pinto.
Pagpasok ko sa loob ay bumilis ang tibok ng puso ko. Nakatagilid siya ng higa at mahimbing nang natutulog. Paglapit ko sa kanya ay naaninag ko na namumugto niyang mga mata. Nahabag ang puso ko kaya pinagmasdan ko siya at hinaplos ko ang maganda at makinis niyang mukha. "Hindi ko maintindihan kung bakit mo ito ginagawa Jade. Mahal mo ang boyfriend mo pero hinahayaan mo pa rin ang sarili mo na magtaksil sa kanya. Ano ba ako sayo at hindi mo magawang umalis sa tabi ko? Aaminin ko sayo na masaya akong nakakasama at nakikita ka araw-araw. Pero kung para sa ikabubuti mo ay handa kong tanggapin na mawala ka sa buhay ko." Alam kong hindi niya ako naririnig dahil napakalalim na ng kanyang tulog base sa mumunti niyang paghilik. "I think I fallen for you but I'm too scared to let you know."
Maingat na nahiga ako sa tabi niya at ikinawit ko ang isa kong braso sa bewang niya. Ilang sandali lang ang lumipas ay payapa na rin akong nakatulog habang yakap-yakap siya.
Kinabukasan ay ginising ako ng kanyang mga halik. Inaantok pa ako kaya kahit kinikilig ako ay nagpatuloy pa rin ako sa pagtulog.
Nagising lang ang diwa ko nang bigla siyang maghubad at pilit akong pinatitihaya. OMG! Automatic na nabuhay ang dugo ko sa ginawa niya. Sino ba naman kasi ang makakatanggi kung siya na mismo ang nag-aaya?
Nagkaroon pa kami ng deal ngunit dahil siya ang nanalo ay hindi masusunod ang kagustuhan ko. Kaya itinodo ko na ang buong lakas ko upang ipalasap sa kanya ang init ng pagmamahal ko.
Nakaidlip ulit kaming sandali na magkayakap pagkatapos ng mga naganap sa amin. "Althea baka ma-late na tayo. Tara na bumangon." Mahinang bulong niya sa akin.
"Hmm.. 5 minutes more please?" Magkahalong antok at pagod ang tinig na pakiusap ko sa kanya.
"Oh, sige matulog ka pa dito at mauuna na ako sayong bumangon." Aalisin na niya ang braso kong nakapulupot sa kanya nang pigilan ko siya.
"No! Dito ka lang muna."
"Magluluto pa ako ng breakfast natin."
"Sa labas na lang tayo magbebreakfast baby basta dito ka lang muna sa tabi ko."
Narinig ko ang mahina niyang pagbuntong hininga kasabay ng pag-ganti ng yakap sa akin na kay sarap sa aking pakiramdam. "Ang hirap mong tanggihan Althea." Bulong pa niya sa tenga ko na mas lalo kong ikinangiti.
Jade's POV
Pagpasok ko sa trabaho sa restaurant ay napakagaan ng pakiramdam ko. Sobrang naiinspired akong kumilos at magtrabaho.
Maraming nakakapansin sa pagiging masayahin ko ngayong araw. Isa na roon si Chef Solenn. "Jade kahapon lang parang natutulala ka. Ngayon ay parang ang sigla-sigla mo." Nakangiting puna nito sa akin.
"Masaya lang po ako chef sa trabaho nating ito. Kung hindi nyo po naitatanong ay magaling rin pong magluto ang Papa ko."
"Wow! So you mean sa kanya ka nagmana?"
BINABASA MO ANG
You Got Me
FanficSabi nila ang One Great Love raw ay mahirap kalimutan. Lalo na kung malalim ang iniwang sugat sayo. Ngunit paano kapag natagpuan mo ang One True Love mo? Iiwas ka ba sa takot na masaktang muli? More JaThea's love story po ulit. 😉