Chapter 32

6.3K 226 20
                                    

Althea's POV

Tumunog ang intercom, pagpindot ko ay ang secretary kong si Sanya. "Ma'am naririto na po si Ms. Esguerra."

"Sige Sanya papasukin mo." Busy ako sa harap ng computer habang nagba-browse ng mga ideas na pwede naming mapag-usapan ng ka-meeting ko.

"Good morning po Ms. Monticello!!" Masiglang bungad sa akin ng babaeng dumating.

"Good morning!!" Tugon ko na hindi tumitingin sa mukha niya. Bagkus ay nakatutok pa rin ang mga mata ko sa harap ng PC. "Have a seat please."

"Okay po Ma'am thanks."

"So Ms. Aprilyn Esguerra.." Pinsan siya ni Chef Trixie. Nirecommend siya nito sa akin upang maging adviser sa aking pinaplanong gawin. Sa pagsulyap ko sa kanya ay medyo natawa ako. "Sorry.. napanood kasi kita sa youtube."

"Ah.. yong joke bride po ba? Okay lang po yon. At least now I finally found someone." Anitong tila kinikilig-kilig pa.

"Kung ganon pala ay hindi kayo nagkatuluyan nung Randy?"

Nakangiting umiling siya sa akin. "I fell inlove with Raffy po."

Tumango-tango ako. Nakakatuwa siyang kausap. Parang palagi siyang goodvibes and energetic. "Anyway, can we proceed now?"

"Oh, yes Ma'am!" Kumuha siya ng sarili niyang note pad at ballpen. "Bago po ang lahat Ms. Monticello. Marami po akong kailangang itanong sa inyo."

"Sure! Go ahead." Game na game na sinagot ko lahat ng mga katanungan niya.

Hindi ko maiwasan na mapahagikhik ng tawa sa tuwing nagbibitaw siya ng mga nakakatawa niyang joke. Bagay nga talaga sa kanya ang bansag ng mga netizen na Joke Bride. Mahusay kasi siyang magbiro.

"Naku! Siguro isa po kayo Ma'am sa mga taong pinagtawanan ako nang mapanood ang video ko sa youtube."

Napatawa na naman ako nang maalala ko ang video. "Kasalanan yon ng pinsan mong si Trixie. Pinanood niya kasi sa akin yon."

"Humanda sa akin ang pinsan ko na yan. Isa pala siya sa mga nagpakalat ng video ko." Nakangusong niyang maktol. Ang cute-cute niya tuloy.

"Oops! I'm sorry Aprilyn if I offended you. Actually hindi naman ako sa video mo natatawa. Sadyang masaya lang na makaharap ka. Bukod sa cute ka pala sa personal ay napaka-jolly mo pa."

Medyo nagblush siya sa sinabi ko at hinampas ako ng bahagya sa braso ko. "Ma'am naman! Alam ko pong maganda po kayo but you know.. like duh! I'm not into girls." Maarte nitong sabi na nagtirik pa ng kanyang mga mata.

Muli na naman akong napatawa sa kanya habang naiiling. "No worries Ms. Esguerra. Super duper inlove ako sa girlfriend ko. Kaya malabo ring magkagusto ako sayo."

"Na-curious naman po akong bigla sa itsura niya. Sino kayang mas maganda sa inyong dalawa?"

"Siyempre siya.. as in sobrang ganda niya. Makikilala mo rin siya soon." Proud na sagot ko sa kanya.

"Wala ka bang picture diyan Ma'am?" Makulit niyang tanong sa akin.

"Huwag na.. Baka magbago pa ang preference mo at bigla kang magkagusto sa girlfriend ko." Natatawa kong biro sa kanya.

"Ay! Grabe ka Ma'am.. Si Raffy Sandoval lang ang nagmamay-ari ng puso ko at lalaki yon. Malayong magkagusto ako or magka-crush man lang diyan sa girlfriend mo kahit gaano pa siya kaganda. Heller!" Aniyang nagtirik pa ng kanyang mga mata.

"Just kidding Aprilyn." Nangingiti kong tugon sa kanya. "By the way, heto nga pala ang girlfriend ko." Ipinakita ko sa kanya ang wall paper ko sa cellphone ko.

You Got MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon