Jade's POV
Hanggang sa makauwi kami ng condo ay hindi kami nag-uusap ni Althea. Wala kasi ako sa mood na makipagtalo sa kanya.
Kanina nakiusap ako sa kanya na kung maaari ba akong makipag-usap kay Rafael kahit sandali lang ngunit hindi niya ako pinayagan. Kaysa makipagtalo ay hindi na lang ako nagsalita.
Sa halip ay humingi na lang ako ng paumanhin kay Rafael. Naintindihan naman nito ang sitwasyon ko at hindi na ito nagpumilit pa. Masaya na daw siyang makita ako na masaya na sa piling ng taong pinili ko. Hays! Gusto ko lang naman sanang kamustahin siya at alamin kung anong nangyari kay Jackie.
"Baby love breakfast na muna tayo." Tinanguan ko lang siya at nauna na akong naglakad patungo sa kitchen. Ramdam kong nakahabol ang tingin niya sa akin. Hmp! Bahala nga siya.
"Mama gusto ko fried chicken." Ungot sa akin ni Erika na hindi ko alam na nakabuntot pala sa likuran ko.
"Anak ipagluto na lang kita ng chicken nuggets para madaling maluto."
"Okay po Mama.."
"Upo ka na don. Magluluto muna si Mama." Pagdating sa akin ay napakamasunurin niyang bata. Masaya ako na napapasunod ko siya sa mga sinasabi ko.
"Ma'am Jade ako na po diyan." Bigla namang sulpot ng bago naming helper. Basa pa ang buhok nito waring kakagaling lang sa pagligo.
"Sige Klea tulungan mo na lang ako. Nakapagbreakfast ka na ba?"
"Opo Ma'am pagkatapos ko pong maglinis ng paligid ay kumain na po ako." Magalang nitong sagot sa akin.
"Baby love shower na muna pala tayo. Hayaan mo na lang kaya si Klea diyan." Malambing na pag-aya sa akin ng asawa ko.
"Go ahead love.. mamaya na ako." Walang ganang sagot ko sa kanya na hindi man lang siya tinatapunan ng tingin.
"O-okay." Halata sa boses niya ang pagkadismaya. Gustuhin ko mang maawa ay naiinis pa rin talaga ako sa kanya. Pakiramdam ko ay wala siyang tiwala sa akin.
"Mommy ako na lang sabay sayo ligo." Hyper na sabat naman ng bata at tumakbo ito palapit sa Mommy niya.
"Oh, sige tara! Kuhanan muna kita ng damit sa kwarto mo."
"Okay po." Tuwang-tuwa nitong tugon.
Patingin-tingin sa akin si Klea na waring may gustong sabihin. "Klea iinit mo na lang yong mga niluto mo kanina. Ako na dito sa nuggets."
"Sige po Ma'am." Tahimik na sinunod niya ang ipinapagawa ko.
"Uhm.. Klea off mo tuwing sunday. Kung uuwi ka sa inyo. Pwede ka umalis ng saturday ng tanghali."
"Naku! Saka na po ako Ma'am uuwi. Gastos lang po iyon sa pamasahe."
"Okay ikaw ang bahala. Pero magsabi ka lang kapag may problema ka ha? Pamilya na rin ang turing namin sayo."
"Salamat po Ma'am." Anitong ngumiti sa akin. Kaya ginantihan ko rin siya ng tipid na ngiti. "Uhm.." Tumingin ulit siya sa akin. "Huwag nyo po sanang mamasamain ang itatanong ko."
"Yes ano ba yon?" Tanong ko sa kanya.
"Okay lang po ba kayo ni Ma'am Althea? Para po kasing ang cold nyo sa kanya kanina."
Marahas na napabuntong hininga muna ako bago ako sumagot. "Mood swing lang Klea dala ng pagbubuntis."
"Ganon po ba? Sige po ihain ko na po ang mga ito sa mesa."
Makalipas ang labing limang minuto ay natapos na kami ni Klea. Nakahain na rin lahat ang mga kakainin namin sa mesa. "Ma'am Jade tawagin ko na po ba sila?"
BINABASA MO ANG
You Got Me
أدب الهواةSabi nila ang One Great Love raw ay mahirap kalimutan. Lalo na kung malalim ang iniwang sugat sayo. Ngunit paano kapag natagpuan mo ang One True Love mo? Iiwas ka ba sa takot na masaktang muli? More JaThea's love story po ulit. 😉