Althea's POV
Nagngingitngit ang kalooban ko sa sobrang selos lalo na nang hinalikan si Jade sa labi ng boyfriend niya. Wala akong karapatan na magalit o magselos kaya pinilit ko na lang ang sarili ko na magpakahinahon.
Pasulyap-sulyap ako palagi sa kanya. Kaya naman nang mahuli niya ang tingin ko ay nakangising kinindatan ko siya. Nag-iwas siya ng tingin at tila pinamulahan ng kanyang mukha. Muntik na tuloy akong mapabulalas ng tawa.
"Bessy anong nakakatawa at parang nangingiti ka diyan." Puna sa akin ni Solenn kaya pati si Sanya ay napatingin na rin sa akin.
"H-huh? Hindi ah.. Ang behave ko nga dito eh!"
"Tss! Hindi raw?!" Irap niya sa akin. "Oh, heto kumain ka pa." Anitong ipinaglagay ako ng food sa plato ko.
"Ma'am ang sarap po nito. Gusto nyo pong tikman?" Si Sanya naman na tila nakikipagkompetensya sa bestfriend ko. Tumango ako upang hindi ito mapahiya.
"Sure!" Sinubuan niya ako ng maliit lang na portion. "Hmm.. oo masarap nga Sanya. Recipe yan ni Bessy kaya masarap talaga yan."
Ang kaninang seryosong mukha ng bestfriend ko ay napalitan ng kasiyahan. "Hmp! Ewan ko sayo Bessy."
"Totoo naman eh! Napakaswerte ng AK sayo. Kahit ako swerte rin ako kasi ikaw ang bestfriend ko."
Tawang-tawa siya sa sinabi ko. "Hay naku! Makabalik na nga sa kitchen. Dumarami na ang mga customers."
"Isama mo na nga rin yong isa doon na nakikipaglandian jowa niya."
"Bessy watch your mouth! Karapatan niyang sulitin ang breaktime niya."
"Joke lang Bessy. Hindi na mabiro!"
"Kung hindi ka broken hearted ay iisipin kong nagseselos ka sa boyfriend niya." Dagdag pa nito.
"Tse! Bumalik ka na nga lang sa trabaho mo. Kung ano- ano pa kasing pumapasok sa utak mo."
"Kahit kelan talaga ay napakaisip bata pa rin nitong boss mo Sanya."
"Anong sabi mo?" Inis na bulyaw ko rito. "Ako isip bata?"
Ngunit tinalikuran niya na ako at tatawa-tawang umalis na sa tabi ko. Badtrip talaga siya!
+++++++
Pagbalik namin sa opisina ay sinundan ako ni Sanya hanggang sa office room ko at bigla na lang niya akong dinamba at hinalikan sa lips. Hindi ako tumugon kaya itinigil rin kaagad niya ang paghalik sa akin. Pano ba naman kasi ako gaganahan kung may ibang babae akong iniisip na mas gusto kong kahalikan? "I'm sorry po Ma'am.. Hindi ko po napigilan ang sarili ko." Nakatungo niyang hingi ng paumanhin sa akin.
"Sanya labas ka muna ng opisina ko gusto kong mapag-isa."
"Ma'am galit po ba kayo sa akin?" Natigilan ako kasi parang ang mga salitang sinasabi niya ay nasabi ko na rin kay Jade. Ang kaibahan lang ay tumutugon si Jade sa lahat ng gusto kong gawin. Ako kay Sanya ay hindi ko magawang tumugon.
"No! Hindi ako galit sayo Sanya. Magagalit lang ako kung hindi mo susundin ang sinabi ko na lumabas ka muna."
"Sige po Ma'am, labas na po ako." Nagmamadaling lumabas na nga ito ng opisina ko.
Naitampal ko ang palad ko sa noo ko. Hindi ko gusto itong nararamdaman ko sa PA ko. Napatingin ako sa orasan. Ilang oras pa ang hihintayin ko para makita ko ulit siya.
+++++++
Hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko. Kanina lang sa opisina ay namimiss ko siya. Ngunit ngayon na magkasama na kami sa loob ng sasakyan ay parang naiinis naman ako sa kanya. Kaya tahimik lang kami pareho buong biyahe hanggang sa makarating sa condo ko.
BINABASA MO ANG
You Got Me
FanfictionSabi nila ang One Great Love raw ay mahirap kalimutan. Lalo na kung malalim ang iniwang sugat sayo. Ngunit paano kapag natagpuan mo ang One True Love mo? Iiwas ka ba sa takot na masaktang muli? More JaThea's love story po ulit. 😉