Althea's POV
"Happy Birthday to you.. Happy Birthday to you.. Happy Birthday.. Happy Birthday.. Happy Birthday to you.." Sabay-sabay naming kanta habang hawak-hawak ko ang cake.
"Thank you sa inyong lahat!!" Walang mapagsidlan ang kasiyahan sa mukha ng asawa ko.
"Yeheey!! Mama Jade blow the candle na.." Sabi ko sa kanya. "Wait! Make a wish muna pala."
Pumikit siya at nag-usal ng wish sa isip niya. Saka siya nagblow ng candle.
Yeheey!!!!! Nagpalakpan sila lahat.
Then nagstart na kaming kumain. Dumating na rin kasi ang mga orders naming pagkain.
Dahil hindi kasya sa isang long table ay nagdalawa kaming long table.
Isang simpleng birthday celebration lang ang hiniling sa akin ng asawa ko. Hindi naman raw sa nagtitipid pero mas masaya raw siya kung simple lang at tanging pamilya at mga kaibigan lang ang invited.
So kumain na lang kami sa labas buong pamilya. Kasama ang ilan naming mga kaibigan. Present sina Mommy at Tito Yuri pero sina Dad ay hindi naka-attend. Nasa Europe kasi sila ni Tita Margot for some business trip.
Nagbigay sila ng kani-kanilang mga gift sa asawa ko. Ako ang pinaka-huling nag-abot ng gift sa kanya.
"Love hindi na naman kailangan eh. Itong lunch natin ay sapat nang regalo mula sayo." Nakapout niyang sabi sa akin.
"Baby love siyempre iba yong gift na pwede mong i-keep."
"Hmnn.. Nakakainis ka love. Ang sweet mo palagi."
"Siyempre naman baby love. Nag-iisa ka lang eh." Kinilig naman siya sa sinabi ko. Ang lapad ng ngiti eh.
"Mukhang special yang regalo ng anak ko sayo Jade. Baka pwedeng buksan na natin yan." Naeexcite na singit sa amin ni Mommy. May alam kasi ito dahil minsan na akong nadulas sa kanya.
Isang box kasi iyon na kasing laki ng box ng shoes na nakabalot sa wrapper na may nakatali pang pink na ribbon. "Mommy Lucy kahit hindi ko po buksan parang alam ko na kung anong nilalaman nito." Kinalog-kalog niya ang box. Natatawang napakamot naman ako sa kilay ko. Eh paano? May kumakalansing sa loob nito. "Love ano yon?" Muli niyang kinalog. "Napakagaan naman yatang sapatos nito. Pero bakit ganon ang tunog?"
Lahat tuloy sila na-curious na. "Sige nga Jade buksan mo na. Gusto rin naming malaman kung ano yan." Sabi naman ni Batchi na medyo nangingiti. Siya lang kasi ang tanging nakakaalam bukod kay Mommy kung ano ang nilalaman ng regalo ko sa asawa ko.
"Love buksan ko na ba?"
"Ikaw ang bahala baby love. Tutal sayo naman yan eh." Hawak-hawak ni Mama Judith si Baby Junior. 4 months old na ito kaya nakakasama na namin sa paglabas-labas. Habang si Erika naman ay nasa tabi ng Mama niya.
"Mama baka barbie doll po yan kasi kamukha mo po yon."
Nagtawanan ang aming mga bisita sa sinabi ng bata. Ang tinis pa naman ng boses nito. Sinamahan pa ng kacutan at ka-inosentahan ng mukha.
"Ang tanda ko na anak para sa barbie doll. Pero let's see kung ano ba talaga ang nilalaman nito."
"Basta Mama kapag barbie doll akin na lang po ha? Kasi ako bata pa." Muli silang nagtawanan. Maging kami ng asawa ko ay napapatawa na rin. Kulit kasi nitong panganay namin. Ang hilig umepal sa usapan ng mga matatanda.
"Ibibili na lang kita baby girl. Ilan bang barbie doll ang gusto mo?" Epal ulit ng Mommy ko. Ini-spoiled na naman ang apo niya.
"Talaga po Grand Ma? Gusto ko po apat para bigay ko po kina Kate at Migo tapos po kay baby junior po." Tuwang-tuwa nitong sagot na ikinatawa na naman ng lahat.
BINABASA MO ANG
You Got Me
FanfictionSabi nila ang One Great Love raw ay mahirap kalimutan. Lalo na kung malalim ang iniwang sugat sayo. Ngunit paano kapag natagpuan mo ang One True Love mo? Iiwas ka ba sa takot na masaktang muli? More JaThea's love story po ulit. 😉