Chapter 55

4.9K 227 14
                                    

Althea's POV

Mahigit na dalawang buwan na kaming nakahiwalay sa parents ni Jade at nakatira na kami ngayon sa bagong-bago naming bahay. Nakikita ko namang masaya ang asawa ko. Paano ba naman? Siya na kasi ngayon ang boss ng tahanan. Napaka-organize niya pagdating sa mga kagamitan pati na rin sa kalinisan. Maging sa mga maruruming damit ay ayaw niya ng basta winawashing lang gamit ang washing machine ng mga kasambahay. Gusto niya ay kinukusot gamit ang mga kamay para tanggal talaga ang dumi. Lalo na sa mga puting damit.

Ayon sa napag-usapan namin ay pumayag naman siyang dalawa ang kunin naming kasambahay. Kaya itong si Klea ay ginawa na lang naming yaya ng mga bata. Magaling kasi itong mag-alaga ng bata. Kasundo ito ng dalawang paslit.

Ayoko rin kasing masyadong nahihirapan ang asawa ko sa mga gawaing bahay. Ngunit ang pagluluto ang siyang hindi mo pwedeng alisin sa kanya. Parang kaligayahan niya na ang maipagluto niya kami ng mga anak niya.

"Erika anak tawagin mo na ang Mommy mo. Tell her the dinner is ready." Narinig kong utos nito sa panganay namin. Nakabukas kasi ang pintuan ng study room. Kaya naririnig ko sila.

"Opo Mama.." Hindi ito umakyat ng hagdanan. Bagkus ay nagtatakbo papunta sa may living room at humiyaw ng ubod lakas. "Mommy kakain na raw po!!!" Hala! Lagot kang bata ka sa Mama mo. Naiiling na napatawa ako.

"Don't shout anak. Baka umiyak ang kapatid mo." Saway rito ng Mama niya na nakalapit na pala rito. Hawak-hawak ni Yaya Klea si Baby Junior habang nanonood sila ng pambatang palabas sa telebisyon. "Mauna ka na nga don. Ako na ang magsasabi sa Mommy mo."

Pupuntahan pa sana ako ng asawa ko nang makita niyang pababa na rin ako ng hagdanan. "Oh! Andiyan ka na pala love. Kain na tayo." Malambing niyang sabi sa akin.

"Okay tara na.." Nilapitan ko lang sandali si Baby Junior at hinalikan ito sa pisnge. "Ang bait naman nitong si little pogi. Behave na behave eh." Hindi ako nito pinapansin dahil nakatutok ang mga mata nito sa palabas. "Baby love oh! Hindi namamansin ang Junior natin."

"Tsk! Love baka humabol na naman yan sa kin. Halika na.." Oo nga pala. Masyadong habol ito sa Mama niya. Kapag matagal na hindi nakikita ay nagkakang-iiyak na. Nagwawala pa yan kung minsan.

"Sorry naman asawa ko." Nakangiti kong lapit sa kanya sabay akbay sa kanya. Si Erika ay hayun at nauna na sa mesa halatang gutom na naman. "Baby love huwag mo masyadong hayaan si baby girl na kumain ng kumain. Baka ma-bully yan na biik pagpasok niya sa school."

"Eh love ang hirap niyang sawayin. Nakakaawa naman kung pagbabawalan natin."

"Next time kapag nag-grocery tayo ay mga healthy foods na lang ang mga bibilhin natin. Para maiwasan niya ang kumain ng kung ano-ano." Pabulong kong sabi sa kanya upang hindi marinig ng bata.

"Naku! May isa pa tayong problema love."

"Ano yon?"

"May tindahan diyan sa labas malapit sa may kanto. Bumibili yan ng junk food at isaw doon." Sumbong niya sa akin.

"Saan nanggagaling ang pera niyan? Hindi naman natin yan binibigyan ng pera ah." Kunot ang noo na tanong ko sa kanya.

Tumingin siya sa akin na para bang nag-aalangan sa gusto niyang sabihin. "Love ano kasi.."

"Ano, binibigyan mo?"

"No! I never gave her even a single of peso."

"So saan nanggagaling pera niya?"

"Kay.. kay Mommy Lucy.."

"Hayst! Si Mommy talaga sakit sa ulo palage."

"Love huwag mo aawayin ang Mommy mo. Pagsabihan na lang natin ang bata. Tutal wala namang alam si Mommy Lucy na doon napupunta ang perang ibinibigay niya sa bata."

You Got MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon