Chapter 19

6.4K 251 19
                                    

Althea's POV

Kahit anong gawin kong pagkumbinsi sa sarili ko na okay lang ako ay mas nananaig pa rin ang selos na nararamdaman ko. Ang makita si Jade na katabi ng boyfriend niya ay hirap na hirap na ako. Mas lalo pa kaya ang makitang naghahalikan sila sa harap ko. Damn! Ang sakit-sakit na para bang sasabog ako anumang oras.

Pagkaalis ng lalaki na aking kinaiinisan ay hindi na naalis ang pagkabadtrip ko. May pagkakataon na akong makatabi ulit si Jade ngunit hindi pa rin matanggap ng sistema ko ang paghalik ng boyfriend niya sa kanya. Kaya nanatili lang ako sa tabi ng bestfriend ko. Halos hindi ako tumitingin sa kanya bagaman sa akin lang palagi nakatutok ang kanyang tingin.

Hanggang sa naparami na ng naparami ang nainom ko. Sinubukan kong tumayo ngunit nanlalambot ang tuhod ko. Damn it! Lasing na lasing na ako. Hindi ko na nakuhang tumanggi nang akayin na ako ng bestfriend ko patungo sa kanyang sasakyan. Sa kanilang lahat ay ako lang ang sobrang nalasing. "Teka.. where is Jade?"

"Tsk! Si Batchi na ang bahala sa kanya. Ihahatid niya si Jade." Dahil talagang nanlalambot na ako sa sobrang kalasingan ay hinayaan ko na lang si Bessy na alalayan ako at ihatid sa condo ko.

+++++++

"Diyan ka lang muna. Kukuha ako ng pampunas sayo." Narinig kong sabi ni Solenn habang inaalalayan akong mahiga sa kama ko. Nakapikit kasi ako dahil sa sobrang pagkahilo dulot ng aking mga nainom.

Makailang sandali ay naramdaman ko na ulit ang presensya niya. "Jade.." Wala sa sariling bigkas ko.

"Utang na loob Althea! May boyfriend yong tao. Ano bang ginagawa mo sa sarili mo?"

"Mahal kita Jade.."

Itinigil nitong sandali ang ginagawang pagpupunas sa akin at inis na napabuga ng hangin. "What the hell with you?! Bakit ba hindi mo ako magawang pansinin? Pangit ba ako?"

Nagmulat ang aking mga mata at kitang-kita ko ang sakit na gumuhit sa mukha niya. So totoo nga ang sinasabi ni Batchi na may pagtingin sa akin ang bestfriend ko. Tahimik lang akong nakatingin sa kanya dahil sobrang nahihilo pa rin ako.

"Bessy mahal kita.. Ako na lang please? Ako na lang ang mahalin mo."

Hindi pa rin ako makapagsalita. Dahan-dahang lumapit ang mukha niya sa akin ngunit mabilis kong ipinaling ang mukha ko. Hindi ko siya gustong saktan pero mas masasaktan ko siya kung hindi ko ito gagawin.

Tila napahiya siya at biglang tumalikod sa akin. "S-sorry.. Si Jade ang gusto ko. Si Jade ang mahal ko."

Padabog na tumayo na ito sa kama ko at dinampot na ang kanyang purse. Alam kong umiiyak na siya ngunit naglakas loob pa rin siyang humarap sa akin. "I'm sorry rin kung minahal kita. Hindi ko sinasadyang mahulog sayo. Pero kung.. pero kung ang babaeng yon talaga ang gusto mo. Wala na akong magagawa. But promise me na kapag nasaktan ka ulit ay hinding-hindi mo na ulit gagawin pa yong ginawa mo noong iniwan ka ni Anne." Aniya sa garalgal na tinig.

Kusang tumulo rin ang mga luha ko sa mga mata ko. Saka ako tumango-tango sa kanya. "Bestfriend pa rin naman kita di ba?"

Mapait na napatawa siya habang naluluha pa rin. Pagkatapos ay matatalim na tingin ang ipinukol sa akin. "Bullshit na bestfriend na yan! Kaya hindi mo ako matutunang mahalin dahil diyan! Ayoko nang maging bestfriend mo! Ayoko na!"

Kahit medyo nahihilo ay pinilit kong bumangon. "Bessy naman! Huwag ka namang ganyan oh! Mahalaga ka rin sa akin."

Sandaling pinagmasdan niya ako habang umiiyak pa rin. Pagkatapos ay lumapit siyang muli sa akin at niyakap ako ng buong higpit. Napahagulhol siya ng iyak sa balikat ko. "I understand Bessy. Pipilitin kong alisin itong nararamdaman ko para sayo. God knows how much I love you. Kaya hahayaan kitang gawin ang mga bagay na makakapagpasaya sayo. Pero kung sakaling masaktan ka ulit. Nandito lang ako."

You Got MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon