Althea's POV
Napatutok ang tingin namin kay Jade nang bigla itong mapatayo sa kinauupuan. "Jade what's wrong?" Tila nagulat ito pagkakita sa poging waiter na kasunod ng bestfriend ko. Waring pareho pa silang nagkagulatan sa isa't-isa ng lalaki.
"Beh?" Hindi makapaniwalang bulalas na tanong nito. Mabilis na ibinaba nito ang bitbit na tray na naglalaman ng mga pagkain at sinugod si Jade ng yakap. "Beh ikaw nga! Namiss kita, sobra!"
He might be her boyfriend. Pero bakit ganon? Parang biglang namanhid ang puso ko. Na para bang namatay sa pangalawang pagkakataon.
"Excuse us Ma'am and Chef. Mag-uusap lang po kami ng lalaking ito." Magalang na paalam niya saka hinilang papalayo ang kanyang nobyo.
Nagkatinginan kami ni Solenn at clueless na nagkibit lang ito ng balikat. "Let's eat then. Huwag na natin siyang hintayin." Sabi ko na lang sa bestfriend ko at nakangiti naman siyang tumango sa akin.
Nasulyapan ko pa ang dalawa na tila nagtatalo. Ngunit sa bandang huli ay parang sinusuyo na siya ng lalaki. Inilayo ko na lang ulit ang tingin ko sa kanila. Ayoko na ng ganitong klase ng pakiramdam. Mas nanaisin ko na lang na maging bato ng tuluyan ang puso ko at huwag nang umibig pang muli.
"Bessy okay ka lang?"
"Huh?" Hindi ko alam na kanina pa pala ako nitong pinagmamasdan.
"Para kasing napakalalim ng iniisip mo."
Sa halip ay tumingin lang ako sa kanya at hindi ako sumagot. Dinampot ko ang isang tasa ng kape at humigop ako ng konti.
"Thank you kasi naisipan mong pumunta dito. Namiss ko ang bestfriend ko eh."
Muli akong nag-angat ng tingin sa kanya at pinagmasdan siyang sandali. "Bakit ka nga pala hindi dumalo sa kasal ng kapatid mo sa Paris?" May pait sa tinig na tanong ko.
Hindi agad ito sumagot. Sumubo muna ito ng pagkain at ngumuya saka muling nagsalita. "Bessy hindi mo na kailangang itanong kung bakit. Ayokong mawalan ka ng ganang kumain. Kaya kung pwede lang ay huwag natin silang pag-usapan." Pag-iwas niya sa tanong ko. Nakita niya kung gaano ako nasaktan sa ginawa ni Anne at ng kapatid niya sa akin kaya ganito na lang ang kanyang pag-aalala.
Sa halip ay pinag-usapan na lang namin ang tungkol sa pagti-train niya kay Jade. Tamang-tama raw at nagresign ang isa nilang chef. Kaya malaki raw ang maitutulong nito sa kanya.
Patapos na akong kumain nang bumalik si Jade sa kubo. Sinadya kong bilisan dahil ayaw kong maabutan pa niya ako. "Sorry po kung natagalan ako."
Pag-upo niya ay siya namang pagtayo ko. "Bessy mauuna na ako. Meron pa akong kailangang kausapin sa opisina. Ikaw na ang bahala dito sa PA ko."
"Ganon ba? Sige mag-iingat ka ha?"
"Sige salamat and thank you rin pala sa breakfast Bessy." Nagbeso ako sa kanya bilang pamamaalam.
"Anytime Bessy.. kahit everyday ka pang magpaluto sa akin ay alam mong hindi kita matatanggihan."
"Asus! Umiral na naman ang pagiging nanay mo sa kin." Asar ko sa kanya na kanyang ikinasimangot. "Biro lang Bessy. Masyado ka kasing sweet."
Inirapan ako nito kaya't bahagya akong napatawa. "Sige na alis na ako." Saka ko binalingan ang PA ko. "Jade sundin kita before 6pm."
"O-opo Ma'am Althea."
Ilang sandali pa ay umalis na rin kaagad ako at hindi na muling lumingon pa sa kanila.
Jade's POV
BINABASA MO ANG
You Got Me
FanfictionSabi nila ang One Great Love raw ay mahirap kalimutan. Lalo na kung malalim ang iniwang sugat sayo. Ngunit paano kapag natagpuan mo ang One True Love mo? Iiwas ka ba sa takot na masaktang muli? More JaThea's love story po ulit. 😉