Jade's POV
Hindi ko alam kung para saan ang paghalik niya sa akin kanina. Nahihiya naman akong magtanong kaya't buong biyahe pauwi ay tahimik lang kami pareho.
Ang weird nitong nararamdaman ko. Masaya kasi ako sa tuwing kasama ko siya. Alam kong may mahal siyang iba kaya nakukuntento na lang ako sa palihim na pagsulyap ko sa kanya. Hindi naman kasi siya mahirap mahalin kahit kung minsan ay napakataray at napakasungit niya sa akin. Nakakatawa lang kasi ngayon lang ako na-attract sa kapwa ko babae.
"What so funny?" Narinig kong tanong niya.
Dahil sa kakaisip ko sa kanya ay hindi ko alam na napapangiti na pala ako. "H-huh? Ah.. wala po Ma'am este Althea. May naalala lang kasi akong nakakatawa."
"Could you please share it para matawa rin ako?" Anitong halinhinan ang tingin sa daan at sa akin habang nagdadrive ng sasakyan.
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Pano ko ba kasi ikukwento yon kung tungkol naman sa kanya kaya ako biglang napangiti. "Hindi naman siya masyadong nakakatawa. Huwag mo na lang akong pansinin." Palusot ko na lang sa kanya.
"Ayaw mong pinapansin kita?" Naka-pout niyang tanong ulit sa akin.
"Hindi naman sa ganon! I mean yong pagngiti ko kanina."
Naiiling na nagconcentrate na lang siya sa pagda-drive. Makalipas ang ilang oras na biyahe ay nakarating na rin kami sa kanyang condo unit.
Pagbukas ng pinto ay dire-diretso siya patungo sa kwarto niya. Ngunit bago pa man siya makapasok sa loob ay muli niya akong nilingon. "Jade be ready tomorrow morning around 6am. And please don't cook for breakfast." Sabi lang nito bago ako pinagsaraduhan ng pinto.
Napaingos ako at naitirik ko ang aking mga mata. "Tss! Hindi man lang ako binigyan ng pagkakataong magtanong sa kanya. Hmp!" Nagtungo na rin ako sa kwarto ko upang makapag-half bath.
Pagkapalit ko ng pantulog ay lumabas ako ng kwarto upang uminom ng tubig. Ngunit muntikan na akong matalisod nang mamataan ko siyang nakaupo sa may mini bar paharap sa gawi ko. Kaya kahit magbago pa ang isip ko at maisipang bumalik na lang ulit sa kwarto ay huli na dahil nakatutok na ang tingin niya sa akin. Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad patungo sa kusina. Oh geez! Ang lakas ng tibok ng puso ko. Nangangatog tuloy pati tuhod ko dahil sa sobrang tense na epekto ng kanyang pagtitig sa akin.
"Jade.." Narinig kong tawag niya sa akin kaya napasulyap ako sa kanya.
"Y-yes Ma'am?" OMG! Pati boses ko halata ang pagkatense.
"Silly! I told you to call me Althea and drop the Ma'am." Masungit na naman niyang litanya sa akin. "Do you want me to punish you, huh?"
"S-sorry.. uhm!" Pakiramdam ko ay umurong ang dila ko at walang maapuhap na sasabihin.
"Come here and join me." Mababa ang tono na aya niya sa akin. Saka ko lang napansin na whiskey ang kanyang iniinom.
"P-pero maaga tayong gigising bukas. Hindi ako sanay bumyahe na masakit ang ulo ko."
"Okay fine! Just sit here across from me and relax yourself. Gusto ko lang ng may kausap habang umiinom." Walang gana niyang sagot na tinapunan ako ng seryosong tingin.
Dahil nga amo ko siya ay kailangan ko na naman siyang sundin. Jusko! Kung alam lang nito kung gaano ako natetense sa mga titig pa lang niya. How much more na ganitong kaharap ko pa siya.
"Are you alright? Bakit parang namumutla ka Jade?"
"H-huh? Of course not! I'm okay."
"Ayaw mo ba talagang uminom kahit konti lang? You know pampaantok lang Jade." Sabay abot niya sa akin ng isang shot ng whiskey.
BINABASA MO ANG
You Got Me
FanficSabi nila ang One Great Love raw ay mahirap kalimutan. Lalo na kung malalim ang iniwang sugat sayo. Ngunit paano kapag natagpuan mo ang One True Love mo? Iiwas ka ba sa takot na masaktang muli? More JaThea's love story po ulit. 😉