Jade's POV
Nagising ako sa tawanan ng mga tao sa paligid. Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog matapos kong magluwal ng isang sanggol.
"Mahal na mahal ka talaga ni Jade tsong. Ayan oh! Lahat na lang nakuha ng baby sayo." Tuwang-tuwang saad ni Batchi. Lahat sila nakatutok ang pansin sa bata. Kaya hindi nila alam na gising na ako.
"Ultimong pagkunot ng noo niya. Oh my god! Little Althea talaga." Sabi naman ni Wila.
"Oo nga noh? Hugis lang ng mukha ang kay Jade." Singit naman ni Gee.
Si Mama ay inaayos ang mga gamit namin habang si Papa naman ay busy sa kausap sa celpon niya.
"Love.." Mahinang bigkas ko. Kaya't napalingon silang lahat sa akin.
"Nak gising ka na pala. Pihadong gutom ka na. Anong gusto mo nak kainin?" Sabi ni Mama na lumapit pa sa akin.
"Okay lang ako Ma.. Mamaya na lang po." Nanghihina kong sagot sa kanya.
"Baby love.." Pinipigilan kong huwag maiyak nang sandaling mapadako ang tingin ko sa asawa ko. Nasa mga bisig na niya ang aming munting anghel. "Andito na si Baby Junior. Anong gusto mong ipangalan natin sa kanya?"
"Pwede ko ba siyang mahawakan love?" Dumalisdis ang aking mga luha dulot ng sobra-sobrang kaligayahan na nadarama ko sa puso ko.
Inilapag niya ito sa aking tabi kaya mas lalo pa akong napaluha. "Sshh.. Baka mahawa ang anak natin sa pagiging iyakin ng Mama niya." Biro niya sa akin.
"Sira!" I giggled. She wiped my tears and smiled at me.
Hindi magkamayaw ang mga malalapit naming kaibigan sa pagkuha ng picture sa aming dalawa ng anak ko. Tuwang-tuwa rin kasi talaga sila.
"So may naisip ka na bang pangalan baby love?"
Napangiti ako habang nakatitig sa mukha ng baby junior namin. "Jed Ali Carl Navarro Monticello.."
"Wow! Matagal mo na bang napag-isipan ang pangalang iyan?"
"Love pwede mo namang baguhin kung ayaw mo. May naiisip ka bang ibang pangalan para sa kanya?"
"Okay na yang naisip mo baby love. Bagay na bagay sa kanya ang napili mo." Sabay kiss niya sa noo ko. "Kain ka muna please para magkaroon ka ng lakas."
Ikinuha ako ni Mama ng food ngunit inagaw ni love at nagpilit na susubuan na lang raw niya ako.
Pagkaalis ng mga kaibigan namin ay may mga bumisita ring kamag-anak namin. Tinawagan siguro ni Papa kanina. Hindi rin naman nagtagal at nagsi-alisan na rin.
Ang sunod na dumating ay sina Daddy Albert at Tita Margot kasama ang tatlo nilang mga anak. Magiliw na humalik ang mga kapatid ni love sa kanya samantalang ngumiti at bumati lang sila sa akin. Hindi pa kasi sila sanay sa akin kaya medyo nahihiya pa sila.
"Naku! Ang apo ko hindi maikakaila na isang Monticello. Pogi-pogi mana kay Grand Dada.." Nagtawanan sila nang kumislot ang baby na parang nagpa-cute. "Oh, see.. naintindihan niya ang sinabi ko." Dagdag pa nito.
"Si Daddy talaga.." Sabi rito ng asawa ko habang natatawa.
Naalala ko si Erika. Kanina ko pa pala siyang hindi nakikita. "Love nasaan ang panganay natin?"
"Pinauwi ko na muna sila ni Klea sa condo. Pinahahanda ko na rin kasi ang mga gamit natin. Bukas bago ka lumabas dito ay susunduin sila ni Justin."
"Pinahahanda ang mga gamit, pero bakit?"
"Nag-usap kami nak ni Althea." Sabat sa amin ni Mama. "Doon muna kayo titira sa atin pansamantala upang maalagaan ko kayo ng apo ko."
Napatingin ako sa asawa ko. Alam kong medyo labag sa kanya ang sinabi ni Mama. Hindi lang niya makuhang tumanggi. Nahihiya kasi siya sa parents ko. Pero ayos na rin iyon. Kasi kailangan ng baby namin ang payapang lugar na hindi katulad ng condo na nasa mataas na gusali.
BINABASA MO ANG
You Got Me
FanficSabi nila ang One Great Love raw ay mahirap kalimutan. Lalo na kung malalim ang iniwang sugat sayo. Ngunit paano kapag natagpuan mo ang One True Love mo? Iiwas ka ba sa takot na masaktang muli? More JaThea's love story po ulit. 😉