Althea's POV
Pagkagising ko kinaumagahan ay naghanda na ako sa pagpasok sa opisina. Isang travel agency ang naisipan kong business since BS- Tourism ang tinapos ko with holding MBA degree. Mahilig kasi akong magtravel kaya ito ang napili kong field.
Ang sabi ni Dad ay ngayon raw darating ang PA na sinasabi niya. Ibibigay niya raw rito ang duplicate key ng condo kaya hindi ko na ito kailangang hintayin pa.
+++++
Habang nagda-drive ako ay tumunog ang cellphone ko.
Bessy Solenn calling...
"Hello Bessy?"
"Hi.. goodmorning!" Hindi ko man siya nakikita ay alam kong nakangiti ito.
"Morning!" Walang gana kong tugon sa kanya. "Aga mong napatawag?"
"Alam ko kasing hindi ka pa nagbe-breakfast. Daan ka dito sa restaurant. Sabayan mo akong mag-almusal."
Napabuntong hininga ako. Hindi ko man siya gustong iwasan pero naaalala ko kasi sa kanya ang ginawang pagtataksil sa akin ng ex-gf kong si Anne. Kapatid niya kasi si Erwan na siyang umahas sa akin. "Salamat na lang Bessy pero marami akong kailangang asikasuhin sa office. Out of way rin naman yang restaurant ni Dad. Sa office na lang ako magbe-breakfast." Head chef kasi ito sa isa sa mga pag-aaring restaurant ng Daddy ko.
"Ganon ba?" Malungkot ang tinig nitong tugon. "Sige ipapadeliver ko na lang sa office mo itong special na breakfast meal na niluto ko para sayo."
"Okay ikaw ang bahala Bessy. So pano? I'll hang up the phone na. Nagda-drive kasi ako."
"Sige Bessy.. ingat sa pagda-drive."
"Thanks!" Tipid kong sagot at inend call ko na.
Hindi ko alam kung nakukunsensya lang siya dahil sa ginawa sa akin ng kapatid niya or talagang sweet lang siya sa akin. Dati na kasi siyang sweet sa akin bago pa man dumating si Anne sa buhay ko noon. Dumistansya lang siya noong maging kami na ni Anne then siya naman ay nagkaboyfriend din ng mga panahong iyon.
"Goodmorning po Ma'am!" Nakangiting bati sa akin ng magandang receptionist na nabungaran ko sa may lobby. Ngunit laking dismaya nito nang hindi ko ito pinansin. Ganito kasi ako kapag wala sa mood. Wala akong pakialam sa mga tao sa paligid ko.
Dire-diretso lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa loob ng opisina ko. Agad namang nakasunod sa likuran ko ang secretary kong si Sanya habang dala-dala ang mga documents na kailangan kong mapirmahan.
"Ipatong mo na lang yan diyan sa table ko. Pag-aaralan ko muna yang mabuti."
"Okay po Ma'am!"
"Meron ba akong sched ng meeting today?" Tanong ko rito habang inoopen ko ang laptop ko.
"Hmm.. Opo Ma'am! After lunch po with one of our big client. They will come daw po before 3pm."
"Ok good. You may go." Pagtataboy ko na sa kanya. Naiilang kasi ako sa mga titig niya. Muntikan na kasing may mangyari sa amin noong minsang late na kaming nakauwi. Hinihintay niya kasi akong makaalis bago siya umalis ng opisina.
"S-sige po Ma'am."
Napabuga ako ng hangin matapos nitong makalabas ng aking opisina. Marahil naghihintay siya ng kasagutan mula sa akin. Pagkatapos ko kasing makipaghalikan sa kanya ay never naming pinag-usapan iyon.
Magulo lang kasi ang utak ko that time. Nagbabaka-sakaling makakamove on ako kapag sinubukan kong makipaghalikan sa iba. Ngunit hindi pala. Mali ang ginawa ko at nandamay pa ako ng iba. Damn! I should apologize to her.
BINABASA MO ANG
You Got Me
FanfictionSabi nila ang One Great Love raw ay mahirap kalimutan. Lalo na kung malalim ang iniwang sugat sayo. Ngunit paano kapag natagpuan mo ang One True Love mo? Iiwas ka ba sa takot na masaktang muli? More JaThea's love story po ulit. 😉