Chapter 10

7.6K 261 25
                                    

Althea's POV

Pagkatapos ng mga naganap sa amin ni Jade nang gabing iyon ay naging clingy na ako sa kanya. Hindi man namin araw-araw na ginagawa ang mga ganong ka-intimate na bagay ay nagpapakita naman kami ng affection sa isa't-isa.

Lumilipas ang mga araw ay nagiging komportable na siyang humalik at yumakap sa akin na walang paalam. Gustong-gusto rin niya na kina-cuddle ko siya sa tuwing nagkakatabi kami sa couch or sa bed.

Kahit ganon kaming ka-sweet sa isa't-isa ay meron pa ring konting wall sa pagitan namin dahil magkahiwalay pa rin kami ng kwartong tinutulugan. Minsan lang siya natutulog sa kwarto ko kapag naglalambing lang ako sa kanya.

Sa loob ng aking opisina ay hindi ako mapakali. Kailangan ko ng isang taong mapagsasabihan ng tungkol sa nangyayari sa pagitan namin ni Jade. Kailangan ko rin ng advice ng isang kaibigan upang kahit paano ay malinawan ang utak ko.

Si Batchi ang naiisip ko na tanging makakaintindi sa sitwasyon ko. Kaya siya ang tinawagan ko at inayang makipagkita sa akin sa isang coffee shop.

"Tsong! What happend at bigla mo na lang akong naalala?" Tatawa-tawa niyang bungad sa akin. Umorder muna kami saka naupo sa isang table na pandalawahang tao lamang ang upuan.

"So what's up tsong? Alam mo namimiss na talaga kita. Kaya kahit medyo busy ako ay pumunta agad ako rito."

"Ang sabihin mo ay namimiss mo lang ang panlilibre ko. Kilalang-kilala kita tsong! Mukha kang libre." Sabay tawa ko na tila ikinagulat niya. Sinalat niya ang leeg at noo ko. "Hoy! Anong ginagawa mo?"

"Yey! My bestfriend is back!" Tuwang-tuwa niyang cheer sa hindi ko malamang dahilan. "Ganyang klase ng tawa ang namiss ko sayo tsong. Alam mo ba yon?!"

"Pinagsasabi mo Batchi?" Kunwaring maang-maangan ko. Matagal rin kasi akong nagmukmok simula nang iwan ako ni Anne.

"Teka hulaan ko! Inlove ka na don sa magandang bebot na PA mo noh? Hahaha.. Althea huwag ako!" Natigilan ako at hindi nakasagot. Bagkus ay napatingin ako sa malayo. "Seryoso tsong inlove ka nga sa kanya?" Hindi makapaniwala niyang tanong sa akin.

"Ewan ko.. Baka.." Halos pabulong kong sagot sa kanya.

"Anak ng! Sinasabi ko na nga ba eh. Sa ganda naman kasi ng babaeng yon tapos kayo lang dalawa sa iisang bubong. Katukso-tukso naman talaga siya."

"Batchi, ano nang gagawin ko? Habang lumilipas ang mga araw ay mas lalo akong nahuhulog sa kanya. Sinubukan ko na siyang ipagtabuyan noon ng dalawang beses pero ayaw niyang umalis."

"Sandali nga tsong! Sabi mo ipinagtabuyan mo na siya ng dalawang beses pero ayaw niya kamong umalis? Ibig sabihin mahal ka na rin niya kung ganon."

"May boyfriend siya Batchi. Mas pogi kay Erwan tapos mahal na mahal pa siya. Kung hahayaan ko na patuloy na mahulog sa kanya. Baka maulit lang yong nangyari sa amin ni Anne."

"Tsong magkaiba sila ni Anne. Pano kung si Jade kaya kang panindigan?"

"Ang hirap Batchi! Nakamove-on nga ako kay Anne pero parang panibagong heartbreak naman ang matatamo ko."

"Tiwala lang tsong! Tingin ko iba yang si Jade. Kaya mong paibigin yon ng wagas sayo tsong. Kung si Anne nga nabaliw na rin sayo minsan. Kaya walang imposible dito kay Jade." Napatawa ako sa kanyang sinabi.

"Ayos ka ring mag-motivate eh noh! Pero Batch aaminin ko sayo."

"Na ano?"

Nangingiting lumapit ako sa tenga niya. "We're both compatible in bed." Mahina kong bulong pero ang naging reaksyon niya was priceless. Tawang-tawa ako sa kanya.

You Got MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon