Chapter 36

5K 192 36
                                    

Althea's POV

Pagkarating ko sa condo galing opisina ay nagpalit ako ng damit upang magtungo sa Bar. Bumibisita ako paminsan-minsan doon upang tingnan ang pamamalakad ng kaibigan kong si Batchi. Mini-meeting ko rin sila sa mga bagay na aking napapansin sa loob ng bar. Mabuti na lang at magaling ang bestfriend ko pagdating sa pagmamando ng mga tauhan. Lahat sila cool kausap at halatang masaya sa mga trabaho nila.

"Ma'am Althea, bakit hindi nyo po kasama si Ma'am Jade?" Tanong ni Cheska na nakatayo sa may gilid ng upuan ko. Kaya napalingod ako rito. Shit! Ang ganda at ang sexy niya. Tapos ang bango-bango rin ng gamit niyang pabango. Kung si Jade lang ito, marahil ay nahila ko na siya sa kabilang sulok.

"Andon siya sa bahay nila. Hindi rin naman ako magtatagal dito. Uuwi na rin naman ako maya-maya." Nakangiti kong sabi sa kanya.

Nagulat na lang ako nang pasimple siyang dumikit sa aking tagiliran. Nabitin tuloy ang pag-shot ko ng alak na hawak ko.

"Ma'am baka gusto nyo pong magrelax?" Bulong niya sa tenga ko na animoy nang-aakit. Siya naman ang nagulat nang bigla akong tumayo sa kinauupuan ko. Kitang-kita ko ang takot na bumalot sa pagmumukha niya nang tingnan ko siya ng masama.

"Cheska mas marerelax ako kung aalis ka ngayon sa harap ko." Mataray kong sita sa kanya.

"S-sorry po Ma'am.. S-sige po babalik na lang po ako sa trabaho ko." Yuko ang ulo na umalis na nga siya sa harap ko.

Pagkaalis niya ay naipikit ko ang aking mga mata sa sobrang pagka-irita. Alam niya nang taken na ako. Bakit kailangan pa niya akong akitin ng ganon? Naiiling na napabuntong hininga na lang ako at muling naupo sa pwesto ko.

"Oh! Bakit ganyan ang mukha mo Tsong? Anong nangyari sayo?" Tanong agad ni Batchi nang makalapit sa akin.

"Wala Tsong! Kailangan ko na sigurong umuwi. Uubusin ko lang toh." Sabay taas ko ng hawak kong baso na may lamang alak.

"Gusto mo sisantihin ko na?" Gulat na napatingin ako sa kaibigan ko. "Oo alam kong may gusto siya sayo. Kaya kahit magaling siya at maaasahan sa trabaho ay tatanggalin ko siya para hindi ka na niya guluhin pa."

"Hell, no! Huwag mo siyang sisisantihin. Hindi naman ako palaging naririto. Kaya maiiwasan ko rin siya. At tingin mo ba magpapaakit pa ako sa iba? Si Jade lang Tsong sapat na sa kin."

"Ay! Oo tsong.. Pihadong patay ka sa girlfriend mo slash fiancee na ipinaglihi kay hitler kapag nagagalit." Aniya sabay tawa. Pati tuloy ako napatawa na rin.

"Takot ko na lang don. Ayokong nagseselos yon. Patay talaga ako don."

"Pero infairness kay Cheska." Pareho kaming napatingin sa gawi ng babae. "Ang sexy at ang ganda niya noh?" Binatukan ko siya, siraulo eh. "Aray naman Tsong! Bakit ba?"

"Umiiwas na nga ako sa tukso tapos gaganyanin mo pa ako! Siraulo ka ba? Isumbong kaya kita kay Abby nang matauhan ka."

"Tsong naman eh.. Nagbibiro lang ako. Mas sexy naman at mas maganda si Jade diyan. Ito naman oh! Idadamay pa si Abby eh." Maktol niya na parang bata. Natatawa tuloy ako sa kanya dahil may pagkamot pa siya sa ulo niya.

Nagvibrate ang cellphone ko kaya agad kong tiningnan. "Speaking of Jade. Papunta na raw siya sa condo ko? OMG! I have to go Tsong!"

"Asus! Panay na panay Tsong ah.. " Kindat nito sa akin na ikinangiti ko.

"Inlove eh.. so pano? Mauna na ako Tsong. Ikaw na ang bahala dito."

"Yes boss! Basta best woman ako sa kasal nyo ha?"

"Oo siyempre tapos ninang ka rin sa magiging baby namin."

Ang lakas ng tawa ni Batchi. "Ayun ang gusto ko. Keep it up Tsong! You're the best."


You Got MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon